Child Actor na si Nash Aguas Nakabili na ng Sariling Bahay sa Amerika!








Marami sa ating ang may pangarap makapag patayo ng bahay sa murang edad, at isa sa mga tumupad nito ay ang aktor na si Nash Aguas. Nag post ng litrato ang binatang aktor sa kanyang instagram account kasama ang bahay sa kaniyang likuran at folder na may pamagat na "Estate Planning for Aeign Zackrey Nash Victoriano"-- ang totoong pangalan ng aktor. Kitang kita sa larawan ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa saya ng kanyang nadarama!

"Finallly, this house is offically and legally mine!!!! Thank You po!" sabi pa niya sa kanyang instagram account. Makikita na ang bahay na kanyang binili ay matatagpuan sa Las Vegas, Nevada sa Amerika. Marami namang mga netizens ang bumati sa bagong investment ng binata kasama na ang kanyang nobya na Mika dela Cruz. 





"Ngiting tagumpay! Happy for you love!!" ika ng aktres kay Nash. Isa pa sa mga bumati kay Nash ay ang dating aktres na si Neri Miranda at pinuri dahil isa siyang mabuting ehemplo sa kabataan dahil sa galing nito mag hawak at mag invest ng kaniyang pinag ipunan. Nag pasalamat naman ang aktor kay Neri at kwinento pa kung paano siya nakabili ng bahay sa Amerika: “dahil po iyon kay mommy hehe sobrang kuripot nya po kasi pero magaling po kasi sya magsave kaya natutunan ko po sakanya iyon. Tsaka dahil na rin po sa tito at tita ko sa states na tumulong sakin maayos lahat para maging posible yung pag invest ko ng bahay sa US :]”




Si Nash ay dalawampung taong gulang at may ari din ng isang ramen restaurant sa Pilipinas na kilala sa pangalang Muramen kung saan nag bukas noong 2017. Bukod sa pag arte, tinahak din niya ang pag didirekto. Nag simula si Nash sa showbiz sa edad na limang taong gulang na kung saan siya ay sumali sa kiddie talent search sa dating ABS-CBN noon-time show na MTB o Magandang Tanghali Bayan.

Noong 2004 naman, sa edad na anim na taon, simula din siya sa Kapamilya kiddie talent show na Star Circle Quest na kung saan siya any nanalo bilang Grand Kid Questor at pag katapos nito, nakasama siya sa kiddie gag show na Goin' Bulilit, na kung saan siya ay nakilala at sumikat bilang aktor.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'