Dulong Bahagi ng Pelikulang Avengers, Kinuhanan pa sa Pilipinas!








Ang pelikulang Avengers ay isang pelikula patungkol sa mga superheroes na base sa Marvel Comics. Ginawa ito ng Marvel Studios at pinalabas ng Walt Disney. Sa ngayon, kilala ang avengers bilang isa sa mga mataas na gross ng pelikula sa kasaysayan ng mundo, pangalawa ito sa Avatar na pelikula kung saan mahigit isang bilyong dolyar na ang kita nito sa ngayon kahit na ito ay mahigit sa isang lingo pa lamang. 

Katulad ng naunang pelikula ng Marvel na "Avengers: Infinity War, kinumpirma ng isang international production company na may ilang bahagi sa pelikulang "Avengers: Endgame" ay kinuhaan sa Pilipinas. "Super proud to have been part of AVENGERS: Endgame and also get credited for our work in The Philippines," ika ng Indochina Productions.




Kinumpirma ng miyembro ng Indochina Productions sa post's comments section na ang ang aerial at ground shots na kung saan nasa bahay kubo ang kalabang si Thanos ay kinuhaan sa Pilipinas. Maalala na ang Avengers Infinity sa dulo ay makikita ang tanyag na hagdan hagdang palayan na kung tawagin ay Banaue Rice Terraces.




Hindi naman sigurado kung nag punta ang iba pang mga bida ng Avengers sa Pilipinas upang kunan ang iba pang mga eksena. Makikita sa post ng Indochina Productions sa kanilang Facebook account na ang pelikulang "Avengers: Endgame" ay may budget na $400 milyon at kumita ng $644 milyon noong April 29 at  ang "Avengers: Infinity War" naman ay may budget na $321 milyon at kumita ng $2.05 bilyon sa buong mundo.

Ngayon naman makikita ang kadugtong ng dulo ng infinity wars kung saan ang pasimula naman ng Endgame ay sa isang palayan na may bahay kubo din kung saan naroroon ang kontrabidang si Thanos na ginampanan ni Josh Brolin.



Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso