Flight Attendant Tumulong Sa Pagpapa-anak Ng Kambal Sa Isang Ina Habang Sila Ay Nasa Flight


Akala ng karamihan na madali ang trabaho ng mga flight attendants. Ang hindi nila alam na maraming oras ang kanilang ginugugol upang maserbisyuhan lamang ang mga pangangailangan ng kanilang mga pasahero. 

At dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho ay malaki ang naitutulong nila lalo na't kung mayroong biglaang emergency na nangyari habang sila ay nasa himpapawid. 

Katulad na lamang ng isang Philippine Airlines (PAL) flight attendant na ito na kinilala bilang si John Paul Reyes o Japs kung tawagin. Siya ay isang nursing graduate sa University of Santo Tomas at nagtrabaho bilang flight attendant simula ng taong 2013. Ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan habang siya ay nakaduty sa trabaho.

Sa isa sa kanilang flights galing ng Riyadh papuntang Manila ay nagkaroon ng isang emergency situation ang isang pasaherong 8 buwang buntis na si Maricel Rogelio Cantos. Habang sila ay nagsisimula ng food service ay lumapit sa kanya ang isang pasahero at sinabi na ang kanyang misis ay nakakaranas ng stomach pain. 

Pinuntahan niya ang pasaherong buntis at saka niya ito inassess.

"I examined the passenger and located the pain in her lower abdomen, radiating down her legs, particularly in the upper thighs. She said that the pain scale was 7-8/10, and that she was experiencing it in irregular intervals."

Noong una ay akala ni Reyes na ang babae ay nakakaranas lamang ng contractions kaya sinabihan ito na baguhin ang sitting position o maglakad-lakad muna ng kaunti sa loob ng aircraft upang mabawasan ang nararandaman. Ngunit kamakailang sandali lang ay sinabi ng buntis na siya ay manganganak na.

Buti na lamang at isang nurse si Reyes at sa tulong na rin ng ibang nurses onboard ay pina-anak nila ang babae habang sila ay nasa flight.

Inassist ni Reyes ang pasahero at inihiga sa isang alley upang siya ay maging komportable. Naglagay na rin sila ng mga bankets sa sahig upang mai-ready na ang pagde-deliver nila ng sanggol.

Ilang sandali lamang ay nailabas na nila ang sanggol sa oras na 2:25am. Nilinisan nila ito ay binalutan. 

Noong akala nila ay tapos na ang lahat ay nadiskubre nila na kambal pala ang anak ng babae. Napagdesisyunan ng flight deck crew na mag-emergency landing sa Dubai kung saan ang pangalawang sanggol ay naipanganak.

Sa awa ng Diyos ay buti na lamang na andoon si Reyes sa mga oras na kinailangan siya ng isang pasahero. Dahil kung hindi dahil sa kanya ay nalagay sa panganib ang buhay ng babaeng buntis at ang kanyang dinadalang mga sanggol.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso