Hinangaan Ang Isang Mabait Na Fastfood Crew Dahil Tinulungan Niyang Makakain Ang Isang Senior Citizen



Nakakatuwang isipin, na kahit saan mo dalhin ang mga Pilipino ay lalabas at lalabas ang kanilang tunay na pag-uugali na may malasakit sa kapwa. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na maraming bansa ang naghi-hire ng mga Filipino workers.

Isang service crew ng Jollibee-Matar Qadeem branch sa Qatar ang nagviral dahil ginawang pagtulong at pag-asikaso sa isang senior citizen na hirap makakain. 

Ibinahagi ng isang netizen na si Marie Grace de Jose na isang OFW sa Doha ang nakakantig na larawan ni Russell Manalastas.

Habang siya at nang kanyang asawa ay kumakain sa fastfood ay naging agaw pansin ang ginagawa ng service crew sa isang matandang customer. Sila mismo ng kanyang asawa ay witness sa nakakantig sa pusong pangyayari. 

Nasaksihan kasi nila kung paano ang pagmamalasakit ng crew sa matanda habang sinusubuan niya ito ng pagkain. At ang nakakatuwa ay ang crew rin mismo ang nag-prepare sa pagkain ng matanda. Naimpress si de Jose dahil bibihira lamang ang mga taong ganito na nagpapakita pa ng malasakit sa kanilang kapwa.

At para sa kanya, ang ganitong mga pangyayari ay talagang nakaka-proud maging isang Pilipino lalo na't sila ay nasa ibang bansa.

Sulat ni de Jose sa kanyang post:

"Happening now: Nag dinner kami ng husband ko dito sa Jollibee Qatar sa matar qadeem branch at eto ang nakita ko!! sa ganitong pagkakataon nakaka proud maging pinoy!! kahit saang parte ng mundo the best parin ang pinoy at ang Jollibee!!! bida ang saya!! kudos to you sir Russell Manalastas service-crew of Jollibee- Matar Qadeem branch. 

Matapos kumain ang matanda ay tumayo na ito sa kanyang kinauupuan. At makikita na tumulong rin sa kanilang mag-alalay ang isa pang lalaki na tinatayang manager ng branch.

Sa pag-alis ng senior citizen sa kanilang branch ay inakay nila ito palabas at saka nila tinulungang mag-abang ng taxi upang makauwi ito ng safe.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda