Ikinatuwa Ng Mga Netizens Ang Pag-uusap Ng Isang OFW At Kanyang Amo Na Kahit Mali Ang Ingles Ay Nagkakaintindihan Sila


Kaya itinuring na mga bayani ang mga Oversease Filipino Workers o OFW ay dahil natitiis nila ang hirap sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. At ang nakakamangha pa sa kanila, ay madali silang makapag-adapt o maka-adjust sa kultura ng ibang bansa kung saan sila nagtatrabaho.

Mabibilib ka rin dahil ang mga Pinoy, ilang buwan pa lamang ay minsan ay naiintindihan o kabisado na nila ang lenguahe sa ibang bansa. Kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang hinahanap na mga OFW dahil na rin sa pag-uugali ng mga Pilipino na pagiging maalaga, masipag, at matiyaga sa trabaho.

Samantala, ang OFW na si Valleryn Caranza Landong na nagtatrabaho sa Malaysia ang nagbahagi ng isang nakakatuwang karanasan sa pag-uusap niya at ng kanyang amo. Kahit na hindi marunong mag-Ingles ang kanyang amo ay nakakabilib rin naman na naiintindihan niya ito.

Sa kanilang pag-uusap ay inuutusan siya ng kanyang amo na ipagluto ang ang kanyang sir ng beef at fried veggies dahil wala raw ito kinabukasan. Ipinapaluto rin ang kanin at saka lagyan niya raw ng itlog. 

Tinanong ni Valleryn kung ang kanyang sir lang ba ang kanyang ipagluluto. At sinagot siya na "Yes, just cook sir."

Narito ang kanilang nakakatuwang pag-uusap:

Maam: Sandra I out tomolo you cook sir the brief in the frid fly veges and rice you can fly the rice put egg
Sandra: Okie mam i don't cook you.. I just cook sir?
Maam: Yes just cook sir and please fly the fish many eat if you cooking
Sandra: Okie maam
Maam: Thank you

Maraming netizens ang natuwa sa paguusao nila na "I just cook sir" dahil kung itatranslate ito sa Ingles ay parang ibig sabihin na lulutuin niya ang kanyang amo.

Mabuti na rin lamang na kahit papaano ay sinusubukan pa rin ng kanyang amo na maki-pagcommunicate ng Ingles kay Valleryn kahit na ito ay gumagamit lamang ng translator app na ang kinalabasan ay mali-maling translation.

Ngunit ang mas nakakamangha ay kahit na mali-mali ang translation ay malinaw itong naintindihan ni Valleryn. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!