Inanunsyo ng Pamahalaaan ng Canada na Kinakailangan nila ng Mahigit 1 Million na Immigrants sa Susunod na Tatlong Taon!








Nag hahanap ka ba ng trabaho sa ibang bansa? May magandang balita para sa iyo! Sa susunod na tatlong taon, kinakailangan ng bansang Canada ang humigit kumulang na isang milyon na imigrante na maaring maging permanenteng residente ng bansa at may pag kakataong pang dalhin ang iyong pamilya! Isa ang Canada sa pinakamabuting bansa na pwede mong lipatan dahil madaming mga oportunidad ang inaalok lalo na sa mga imigrante.

Para sa bansang Canada, isa ang mga imigrante sa dahilan kung bakit nanatiling maunlad ang kanilang bansa. Dahil kinikilala ng bansa ang mga imigrante sa kanilang bansa, inanunsyo nila na sa susunod na tatlong taon ay gusto pa nila mag dala ng isang milyong kataong gustong mag trabaho at manirahan sa kanilang basa! Base sa 2019-2021 na report ukol sa plano ng Canada, inaasahan ng bansa na salubungin ang 330,800-350,000 na mga imigrante para sa taong 2019. Sa susunod na taon naman ay inaasahan nilang lumobo ito sa 341,000 hangang 360,000. 350,000 hangang 370,000 naman ang inaasahan nilang imigrante sa 2021.




Karamihan sa mga numerong nabanggit ay para sa mga skilled workers at iba naman ay inilaan para makapunta ang pamilya ng imigrante sa Canada. Bukod dito, kasama din sa bilang ang mga magulang, lolo at lola, at naturalized citizens ang pwedend mabigyan ng super visa kung saan maari silang manatili ng dalawang taon na hindi kinakailangang mag renew ng visa! Nang dahil sa Temporary Foreign Worker Program, mas mabilis makakapunta ang mga agricultural workers, caregivers at iba pang manggagawa na may Labour Market Impact Assessment (LMIA). 

Pwede kang mabigyan ng work permit sa loob ng dalawang linggo sa pamamagitan ng Global Skills Strategy. Base sa datos galing sa IRCC, kasama ang bansang Pilipinas sa top 3 na pinag mumulan ng mga imigrante noong nakaraang mga taon, pangalawa sa bansang India. Inaasahan namang ito ay mag tutuloy tuloy sa susunod pang mga taon.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso