Ipinahayag Ng Isang OFW Balikbayan Ang Saloobin Dahil Sa Mga Taong Demanding Na Nanghihingi Ng Pasalubong


Nakaugalian na ng mga Pilipino na tuwing mayroong kapamilya o kamag-anak na mula sa abroad ay umaasa sila na mayroong itong dala-dalang balikbayan box na puno ng pasalubong mapa tsokolate, de latang pagkain, sabon, lotion, pabango, sapatos, damit, etc. 

Kadalasan ang pag-aakala ng iba na kapag ang isang tao ay nagtatrabaho sa abroad at nagbalikbayan ay napakayaman o 'bigtime' na ito. Ngunit ang hindi nila alam na marami ring paghihirap at sakripisyo ang nararanasan ng isang OFW (Overseas Filipino Worker) para lamang ito ay makauwi sa kanyang pamilyang naiwan sa Pilipinas. 

Ang isang OFW na nagtatrabaho bilang isang administrative assistant sa isang ospital sa Riyadh na si Raymond Lopez ay naglabas ng kanyang saloobin matapos magbalikbayan at madatnan ang mga taong nanghihingi sa kanya ng pasalubong. 

Inilathala niya ang kanyang pagkadismayado sa isang open letter sa kanyang social media account.

"Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka, bigyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa'yo, na kesyo "ito lang", "nagbigay ka pa", "kuripot naman", "yan ba 'yung abroad?", "tatlong-taon sa abroad heto na 'yun?".

Una po sa lahat, hindi po nagbabalik-bayan ang isang OFW para bigyan o pasalubungan kayong lahat, walang obligasyon ang isang OFW na bigyan kayo ng mga tsokolate, sabon, pabango, at kung anu-ano pa! umuuwi ang isang OFW hindi para magregalo, mamigay o magpamudmod ng kung ano. kundi, umuuwi sila para pansamantalang makapagpahinga, makapaglibang, at makasama ang kani-kanilang pamilya't mahal sa buhay.

Sana, subukon n'yo 'hong mag-abroad, para po maranasan n'yo rin ang mga sakripisyo namin, 'yung mga pagtitipid, pangungulila at kalungkutang nararanasan dito at ng mga kapwa-OFW namin sa buong mundo. Matuto po sana kayong magpasalamat o makuntento, dahil kahit papaano'y naabutan at naalala kayo nung tao."

Sa malaman na pahayag ni Lopez ay tila nadismaya siya sa mga taong 'demanding' umano na nanghihingi ng pasalubong sa kanya. Sa katunayan, hindi naman talaga obligasyon ng isang OFW na mamigay ng pasalubong, nakaugalian na lamang ito ng mga Pilipino.

Ngunit sana kahit na kaunting pasasalamat man lamang ang natatanggap nila sa mga taong kanilang binigyan. Pero ang nangyayari, marami talagang taong hindi nakukuntento at hindi marunong magpasalamat. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso