Isang Babae, Nagreklamo Matapos Makakita ng Ipis sa Kaniyang Pagkain Mula sa Isang Sikat na Restaurant sa Quezon City







Marami satin ay mahilig kumain ng masasarap na pagkain na galing sa mga restaurants. Talaga namang ma e-excite ka kapag nakita mong padating na ang iyong inorder. Ngunit, may isang netizen ang nag bahagi ng kanyang karanasan na kung saan hindi nya inaasahan ang kanyang nakita sa kanyang iorder na pagkain.

Nag post ang Facebook user na si Youki Sunaga tungkol sa kanyang karanasan sa isang restaurant na nag hahain ng pizza at pasta. Noong April 23, 2019, nag order si Youki at ang kanyang kasama ng combo set at isa pang pesto pasta dahil may promo ang restaurant na ito. Ibinihagi nya na ang bagal i-handa ng pagkain at  malamig ang kanyang inorder na pasta ngunit hindi na sila nag reklamo dahil sila ay gutom na.





Habang kinakain at hinahalo ni Youki ang kanyang inorder na pesto pasta, doon nya nakita ang ipis at dali daling kinuhaan ito ng litrato at dinala sa counter ng restaurant upang mag reklamo. Noong sila ay paalis na, tinawag sila ng Manager ng restaurant at tinanong kung gusto nila mag pacheck-up sa malapit na hospital ngunit tinanggihan ito nila Youki at sinabing mag rereklamo sila sa management ng restaurant. Humingi ng paumanhin ang manager ng restaurant at kiunuha ang kanilang cellphone number at sinabihang tatawagan sila nito.





Pag kaalis na pag ka alis nila ng restaurant, nag reklamo siya sa website at nag message sa official facebook website ng restaurant. Nakatanggap ng sagot si Youki kinabukasan pag katapos nyang mag reklamo sa pamamagitan ng social media ngunit kinuha lang ulit ang kanyang contact details. Makalipas ang isang araw, nag message ulit si Youki at sinabihan siya na naibigay na ang kanyang reklamo sa management ng restaurant at hindi na sila binalikan hangang ngayon.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'