Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya


Dapat lamang na magkaroon ng quality customer service ang lahat ng mga businessess at establishments upang makamit ang mga pangangailangan ng kanilang mga customer.

Mayroong mga customers na hindi nagkakaroon ng customer satisfaction dahil sa pangit na customer service ng isang establisyemento. Marahil ang iba ay aalis na lamang na wala nang sabi-sabi, ngunit mayroong mga cliente na ipaglalaban ang kanilang karapatan bilang isang customer.

Isang netizen na si Ismail Ariffin ang nagbahagi ng isang karanasan ng kanyang kaibigan na si Zainal Abidin sa hindi pagtrato sa kanya ng mabuti ng isang staff ng isang sikat na luxury boutique. 

Ibinahagi ni Ariffin ang pagtrato sa kanila na "parang aso" ng isang staff ng mamahaling boutique marahil siguro ang kanilang mga suot-suot ay mga casual lamang na damit. 

Ayon sa kanyang post, bumili ang kanyang kaibigan ng isang luxury bag na Louis Vuitton at makalipas ang ilang araw ay ibinalik niya ito sa shop upang i-request kung maaaring magpa-emboss ng pangalan sa bag. Ngunit hindi pinayagan ang kanyang hiling dahil baka raw masira lamang ang bag.

Ngunit hindi man dahil sa pagtanggi sa kanyang request ang ikinagalit ng customer, kundi dahil sa pagmamaliit sa kanya ng staff na kanyang nakausap kaya pakiramdam niya na siya ay nabastos nito. 

Sa sobrang galit nito ay nasabi niya sa staff na, "You can't treat me and my friend like monkeys!"

Kaya naman bugso ng damdamin ay humingi ito ng isang pares ng gunting at saka sinimulang guntingin ang mamahaling bag sa harap ng empleyado ng LV. 

Dagdag pa niya, "They think their LV bags are greater than our dignity."

Ang luxury bag na kanyang sinira ay isang Louis Vuitton x Takashi Murakami Monogramouflage Duffle Bag na nagkakahalaga sa higit na $7,000 o Php360,000.

Samantala, nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizens at pinanigan ang customer at sinabi na dapat ay hindi iniinsulto o minamaliit ang isang customer base lamang sa kanyang pananamit. 

Comments

  1. Sayang pera πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    ReplyDelete
  2. Everytime u have story like this half only u are writing..next time make or write a full story..

    ReplyDelete
  3. Sayang binigay m nlang Sana sa skin ate hahahaha✌️✌️✌️✌️

    ReplyDelete
  4. Mayabang na tao yung naggunting. Alam mo bawat tao mayroong sariling yabang, ikaw ginunting yan ang yabang mo ang side sa tindira ang yabang niya ay minaliit ka.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!