Isang Empleyado na May Utang sa Kaniyang Kumpanya, Ginawan ng Billboard sa EDSA








Lahat tayo ay kailangang magtrabaho para sa ating pangangailangan at mga gusto. Lahat rin tayo ay ginagawa ang lahat ng ating makakaya para lamang kumita ng maayos at dahil na rin ito ang ating gusto. Pero hindi lahat ay nakakakuha ng mataas na sahod para sa mga nangangailangan.

Tulad ng lahat, isa si Maricel Azuelo Garcia sa mga mararangal na empleyadong ginagawa ang lahat para lamang kumita. Pero isa rin siya sa mga taong hindi sapat ang sahod sa araw-araw na pangangailangan. Tulad ng iba, sa kakulangan ng pera nanghihiram siya ng pera sa mga kaibigan, katrabaho at pati na rin sa opisina para mapunan ang kulang. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ito pala ang magbibigay na sa kanya ng sobrang nakakahiyang pangyayari sa kanyang buhay. Kung ang pangalan niyang “Maricel” ay pamilyar na sa iyo, ito ay dahil ang kanyang pangalan ay nakikita na sa EDSA billboard kasama na ang kanyang litrato at buong pangalan! 







Hindi man siya modelo, marangal naman ang kanyang ginagawang trabaho, at wala naman siyang malaking atraso sa batas ngunit nakalagay pa rin ang kanyang litrato sa isang malaking billboard na nakikita ng halos lahat ng taong dumadaan sa EDSA. Kaya naman nitong mga nakaraang araw lamang ay inireklamo niya ito sa isang palabas sa telebisyon, ang Tulfo. Ipinaliwanag naman niya ng maayos na mayroon nga siyang malaking utang sa kumpanya. Sinabi pa niya na hindi na raw siya pinapabayad ng kanyang employer sa kanilang  kumpanya basta manatili siya sa kumpanya at ipagpatuloy ang kanyang trabaho at iyong nga ang kanyang sinunod.

Minsan kapag hindi nakakapagbayad ng utang ang isang kaibigan o miyembro ng pamilya ay kinakausap na lamang sila ng masinsinan upang makapagbayad, ngunit sa nangyari kay Maricel ay lubusan ng pagpapahiya na para bang siya na ang dahilan ng paglubog ng kumpanya. Huwag sana itong mangyari sa iba dahil tunay itong nakakawala ng kumpyansa sa sarili. Alam naman nating lahat na ang iba ay nangangailangan dahil hindi sapat ang kanilang kinikita kaya kung maaari ay pahiraman sila, pero kung labag ito sa iyong kalooban ay kahit papano ay tanggihan na lamang ito sa mabuting paraan hindi yung ipapahiram pero sa dulo’y bababaan ng tingin ang tao kapag hindi naibalik agad ang pera. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso