Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon








Marami tayong mga kababayan na nangingibang bansa upang mag trabaho bilang domestic helper sa ibat-ibang panig ng mundo. May ilan na hindi siniswerte at may ilan din naman ay nakakahanap ng mga mababait at galanteng mga amo na tinuturing bilang parte ng kanilang pamilya. Kamakailan lamang, nag pasuri ang 54-year old na si Remelyn Zubiaga Yumul sa doktor at napag alaman na mayroon siyang Stage 4 na kondisyon sa kanyang obarya na malapit ng kumalat sa kanyang baga at appendix.

Nung nalaman niya na may siya ay may ganitong kondisyon, nag desisyon sya na umuwi na sa Pilipinas para mag pagamot. Pwede naman syang mag pa check up sa Hong Kong dahil sya ay may trabaho ngunit mas pinili niya umuwi ng bansa. Pinayagan naman siya ng kanyang amo sa binigyan pa ito ng dalawang buwan na bakasyon upang mapatingin nya ang kanyang kondisyon at makasama ang kanyang pamilya.




Nag pa check up at nag lagi si Remelyn sa kanyang bayan sa Roxas at nag patingin sa Capiz Doctors Hospital sa pangangalaga ng kanyang kapatid. Siya ay sumailalim sa isang pagsusuri noong March 13 at naka laan na mag pagam0t noong April 22. Noong siya ay nasa Hong Kong pa, inalagaan at nag trabaho si Remelyn sa pamilya ni Fai (Philip) Tse. Siya ang naging yaya ni Philip noong siya'y sanggol palamang hangang 19 years old kung saan napilitan si Remelyn na mag hanap na ng ibang pag tatrabahuhan.




Kahit na siya ay nag tatrabaho na sa ibang employer, nag kakausap pa rin sila ni Philip at ng kanyang pamilya dahil itinuturing na nilang pamilya si Remelyn. 16 taon na ang nakalipas noong umalis at nag hanap si Remelyn ng bagong employer at dahil nalaman ni Philip ang karamdaman ng kanyang yaya, dali dali siyang nag book ng ticket papuntang Pilipinas para makita ang kanyang yaya kahit sa konting pag kakataon.

Nanatili si Philip ng apat na araw sa Roxas City at inalagaan si Remelyn katulad ng pag aalaga ni Remelyn sa kanya noong bata pa siya. Na antig si Remelyn sa ginawa ni Philip at sinabing hindi niya makakalimutan ang ginawa ng kanyang alaga sa kanya.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso