Isang Lalaki, Inireklamo ang Tinapay na Nabili sa Tindahan Dahil Tila Parang Gawa Ito sa Bato








Karamihan sa mga pinoy ay mahilig kumain ng tinapay lalo na sa umaga. Alam natin na ang tinapay ay masarap isabay sa gatas, kape o tsokolate sa umaga. Gawa ang tinapay sa arina at pampaalsa kaya naman kahit kakaunti lamang ang kainin mo nito ay siguradong busog na busog ka. Kaya naman minsan ay ginagawa itong alternatibo sa kanin lalo na sa umaga sapagkat ito ay mura, masarap na at higit sa lahat mabilis itong makonsumo lalo na kung ikaw ay nagmamadali.

Ngunit paano nalang kung ang inaasahan mong tinapay na binili sa panaderia ay tila may kalidad na hindi kaaya aya. Gaya na lamang ng isang post ng isang netizen matapos nitong ihayag na ang nabiling tinapay ay nagtataglay ng sobrang tigas na kalidad na tila sing tigas ito ng bato. Mapapa-aray ka sa sarap sa isang tinapay na nag-viral kamakailan sa social media, na in-upload ng netizen na si Christian Alegre. Ayon kay Alegre nabili lamang nila ito at may nadiskubre rito kaya naman sa pamamagitan ng isang video ay ibinahagi niya rin ito sa iba. Sa video, makikita ang isang karaniwang tinapay na crinkles. Sa halip kasi na malambot at madaling nguyain ito ay ubod pala ito ng tigas. 







Sing tigas ng bato lang naman ang nabili nilang tinapay. Kaya naisipan nila itong kunan ng video at ipakita sa iba kung gaano sila naloko ng pinagbilhan nila. Bilang patunay, ilang beses pa itong ipinukpok ni Alegre sa mesa ngunit hindi man lang ito nabasag. Tumutunog pa ito na tila tunog bato talaga na ipinupukpok sa lamesa.

Sa comment section ng naturang post ni Alegre, sinabi nito sa mga netizens na nahati lamang nila ito gamit ang martilyo. "nahati na po namin gamit martilyo. metamorphic rock yata ingredients nito." Umabot sa mahigit dalawang milyon ang reaksyon ng mga netizens patungkol dito at mayroong 65,000 shares. Samantala, maraming rin namang mga netizens ang natawa na lamang dito. 



Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso