Isang OFW na Yaya sa Hong Kong, Hindi Tao Ngunit Walong Malalaking Aso ang Inaalagaan








Alam natin na ang aso ay tinatawag na man’s bestfriend. Marami sa atin ay paniguradong may alaga ng aso sa ating mga bahay dahil sa taglay nilang kasiahan na idinudulot sa buhay natin dahil sa anilang kakulitan at pati narin pagmamahal. Ngunit paano kung ang isang tao ay tagapangalaga pala ng hindi lang isa ngunit walong aso sa kaniyang pinapasukang bahay na itinurin na nitong mga anak niya? At ang nakakagulat pa ay malalaking aso ang mga ito. 

Hindi tao kundi walong mga aso ang alaga ng OFW sa Hong Kong na si Sheena Rose Tamayo. Ayon sa ulat ng GMA news, taong 2016 nang manilbihan bilang OFW si Sheena at doon nagsimula na rin siyang mag-alaga ng isang aso. Nang makita raw ng amo na maayos na naalagaan ang alagang hayop, nagdesisyon itong dagdagan pa ito at ngayon at umabot na sa bilang na walo. Dalawang standard poodles, dalawang German shepherds, dalawang Akita Inus at dalawang chinese dogs na ang kinakalinga ni Sheena. 









Napaka-swerte daw ng mga alaga na ito ng OFW dahil air-conditioned pa ang dog house ng mga alaga. "May sariling dog house po sila at hindi lang po malamig, super lamig, parang winter din po," kwento mismo ni Sheena. 

Mamahalin ang mga asong ito na galing pa sa ibang bansa tulad ng Japan. Malalaking uri ng aso ang kanyang inaalagaan na halos tao ang kalakihan. Maswerte rin si Sheena dahil hindi ganoon ka-stressful ang kanyang trabaho. Katunayan, nakakarelax pa nga raw ang mag-alaga ng mga ito. Kahit na paano raw ay naiibsan ang kalungkutan niya sa pagkakahiwalay niya sa kanyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. 


Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'