Isang Pinay na Kasambahay ang Itinali sa Puno ng Kaniyang Employer Dahil sa Kaniyang Nagawa








Kahit na ang pinakamagaling na empleyado ay nagkakamali din. Ngunit, kahit na gaano pa man kalaki o kaliit na pagkakamali ang magawa ng isang tao, hindi siya dapat pinaparusahan dahil dito. Sa kasamaang palad mayroon paring mga hindi matitinong employer ang nagkalat, gaya na lamang ng isang pilipina na nakaranas ng ganito sa kasamaang palad. 

Si Lovely Acosta Baruelo ay isang katulong na nagtratrabaho para sa isang pamilya sa Riyadh, isang araw ay naiwan niya ang kagamitan sa ilalim ng araw. Hindi natuwa ang pamilya na kaniyang pinagtratrabahuan kaya naman itinali siya sa isang puno bilang parusa upang maranansan din niya ang mabilad sa araw. 






Dahil sa nagawa ni Lovely, nababad sa araw ang kagamitan na nagsanhi ng discoloration nito. Dahil dito, ikinagalit ito ng kaniyng employer na napagisipan parusahan siya sa kaniyang ginawa. Nagalit ang pamilya dahil nasira di umano ang kagamitan nila. At para matuto ang Pinay, itinali nila ito sa puno. Maiindang mas nagalala pa sila sa kagamitan kaysa sa kalusugan ng kanilang kasambahay. Dahil naawa ang isang kaibigan ni Lovely sa ginawa ng kaniyang amo sa kaniya, kinuhanan nito ng larawan ang kaibigan na siyang nakatali ang kamay at paa sa puno. Ayon sa isang kasambahay, ganito talaga daw ang kaparusahan ng mga kasambahay doon sa kanilang lugar kung may nagagawang mali ang mga ito. 

Ayon sa DFA o Department of Foreign Affairs, sila ay naging aware sa nangyari at tinulungan nila si Lovely na makauwi muli sa kaniyang pamilya sa La Union pagkatapos niyang sumapit sa pangaabuso. Dagdag ng pamunuan ng DFA na tutulungan din umano ang mga natitirang kasambahay pa sa Saudi Arabia. 



Comments

  1. kahit gaano katindi ang naging kasalanan ng kasambahay di dapat ganyan ang parusang iginawad , lalo na sa bansang yan na matindi ang init ibabad mo nga ang hayop sa initan ng nakatali namamatay tao pa kaya . Dapat kapag may ganyang pangyayari may kaparusahan din na igawad sa mga mapang-aping amo

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa