Isang Security Guard ang Nawalan ng Trabaho Matapos Hindi Mabawalan ang Lalaking Nagswimming Prank sa Mall








Isang security guard ang di umano'y nawalan ng trabaho pag katapos mapag tripan ng isang prankster na nag swimming sa gitna ng foutain sa isang mall. Madaming mga netizens naman ay nagalit dahil sa ginawa at humanap ng paraan upang maibalik ang security guard sa kanyang trabaho.

Nag simula ito noong pinag tripan ng isa sa mga Tukomi brothers at nag simulang mag swimming sa fountain ng mall sa may The Peak in Gaisano Mall of Davao City. Inupload nila ito sa Facebook at pinamagatan na "Swimming Lessons at The Peak" na kung saang maraming mga tao ang nag taka sa pinag gagagawa nila. Madami naman ang nalibang at natawa sa ginawa nila at ang iba naman ay nag taka kung malinis at safe ang tubig sa may fountain kung saan siya lumangoy.





Napigilan naman siya ng isang security guard na matapos ang kanyang paliligo at pinagsabihang mahigpit na pinag babawal lumangoy sa fountain. Maaring nakakatawa ito noong una, ngunit ilang oras ang nakalipas, may isang tao na nag ngangalang Jacky Lou Lago Alipo-on ang nag post ng comment sa video ng Tukomi brothers at sinabing siya ay naka break noong nang yari ang prank kaya hindi niya napigilan ang mga ito at dahil dito, nawalan siya ng trabaho. 




May apat na anak ang gwardya ngunit nawalan sya ng trabaho upang masuportahan ang mga ito. Hangad pa niya na sana'y mas dumami ang mag view ng kanilang video dahil naging daan ito upang mawalan siya ng trabaho. Maraming netizens ang nagalit sa mag kapatid dahil may nawalan ng trabaho sa kanilang ginawa at nais nilang maibalik ang gwardya sa kanyang trabaho!

Inimbestigahan naman ng management ang nangyari at sa di inaasahan ay galing pala sa isang troll account ang nag post ng kumento sa video ng Tukomi brothers at sinigurado din nila na walang gwardya ang nawalan ng trabaho dahil sa prank na ito. Gayunpaman, kung totoo talaga ang nang yari, dapat lang talaga na humanap ng paraan ang magkapatid upang maibalik sa trabaho ang gwardya at bayaran ito sa mga araw na hindi siya swumeldo dahil marami parin ang mga nagkomento na may nawalan daw talaga ng trabaho.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!