Kakaibang Bus Parang Isang Napaka-eleganteng Bahay Kapag Nakita Ang Loob NIto


Kung dito sa atin ay pamilyar na tayo sa mga bus na isang pampublikong sasakyan, ang mga higanteng bus na ito ay kakaiba. At hindi lamang basta-basta bus ang mga ito, ang mga ito ay tinatawag na motorhome.

Ang mga motorhomes ay isang sasakyan na kino-konvert upang ang loob nito ay maging isang parang bahay. Mayroong kusina, bedroom, toilet, sala, etc. Ngunit ang bus na ito ay kakaiba sa mga tipikal na motorhomes.

Ang bus na ito ay gawa ng isang Germany-based company na Volkner Mobil. Ito ay isang upgraded version ng isang motorhome dahil mayroon itong sariling garahe na pwedeng dalhin ang iyong sasakyan kung nais mo man mag-travel. 

Bukod rito ay tila isa itong mobile 5-star hotel dahil sa ganda at napaka-eleganteng pagkakadisenyo. Ang 12-meter vechile na ito ay fully equipped na mayroong double bed, fully furnished kitchen, malaking lounging area, toilet and bath na mayroong water heater.

At ang napaka-espesyal sa lahat ay ang built-in garage nito na mayroong electro-hydraulic lift para sa smooth storage ng isang luxury car. 

Nakakalula lamang ang presyo nito dahil ito ay may halagang $1.7million! 

Silipin ang ibang facilities sa loob ng bus na ito.

Ang bedroom ay parang kwarto ng isang hotel, mayroon itong double bed at mayroon ding convertible top na pwedeng buksan kung nais mag-stargazing sa gabi.

Ang kitchen naman ay fully equipped ng electric stove, dishwasher, drawers at cabinets. 

Mayroong din itong spacious lounging area na may fully furnished na U-shaped sofa katabi ang malaking bintana. Ang kagandahan nito ay maaari kang magrelax habang tinitignan ang magandang view sa labas. Sa tabi naman nito ay ang pantry na kung saan nakalagay ang mga glassware at tableware.
Narito naman ang bathroom na mayroong shower na may water heater, toilet at retractable shower head.
Napaka-elegante ng disenyo ng mga motorhomes na ito. At para na talaga silang isang totong bahay na mayroong kumpletong pasilidad. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda