Lalaki, Hinangaan sa Pagbenta ng Kanyang PS4 Para Makabili ng Mga Gamit ng Kanyang Baby








Usap usapan ngayon sa Facebook ang isang litratong nag viral kung saan ipinakita ang isang emosyonal na lalaki habang inaayos nya ang kanyang PS4 at handang ibenta ito upang magkaron ng sapat na pera pang bili ng gamit ng kanyang anak. Makikita sa larawan na hawak hawak ng lalaki ang kanyang PS4 at siya ay mangiyak-ngiyak dahil siya ay mahilig mag laro ng mga games at paraan upang libangin ang kanyang sarili. 

Ngunit dahil sa kapakanan ng kanyang anak, kailangan niya na ito ibenta para pang dagdag sa gastusin ng kanyang pamilya. Sa henerasyon natin ngayon, madaming mga bata ang nahuhumaling sa pag lalaro ng online at mobile games. Isa ito sa kanilang mga luho na pinag iipunan nila para makamit ang kanilang hilig na laro. Ang iba pa ay mas gusto pang bumili ng mga gadgets kahit na mayroon pang mas importanteng bagay ang kelangan nilang bilhin. Meron namang ilan na binebenta ang kanilang mga gadgets upang matustusan ang iba nilang pangangailangan.







Makikita sa larawang ito na ibinibili ng ama ang kanyang anak ng diaper at iba pang gamit ng kanyang anak gamit ang kanyang perang galing sa pag benta ng kanyang PS4 na gadget. Ang post na ito sa Gaming Geeks na Facebook page ay umabot na isang libong reaksyon at 1.8k shares.

May mga netizens naman na hindi napigilan mag kumento sa kanyang sakripisyong ginawa para sa kanyang anak: Paano kung sabihin ko sayo na kaya mong maging gamer at maging mabuting ama sa parehong oras? “What if I told you, you can be a gamer and a good father at the same time.” Hinahangaan ko ang batang  ito. Mukha man siyang bata ngunit ginagawa nya kung ano ang kaya nya. Marami man ang mga nag jojoke sa kanya, nararapat na siya ang puriin. “I applaud the tf outa this kid. He looks really young but is obviously doing what he can. All jokes and comments aside, that deserves praise.”


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso