Lalaki Naging Usap-Usapan Sa Social Media Matapos Piliing Matulog Sa Pool Kaysa Sa Kama


Nag-viral ang isang Pinoy sa social media matapos siyang matulog sa swimming pool ng pitong oras. Nagsimula ito noong nagkaroon ng family outing ang pamilya ng lalaking natutulog sa pool na si Seth Gabriel Ricafort.

Ayon sa kaniya, naisipan na lamang niyang matulog sa swimming pool dahil wala ng bakanteng kama ang kanilang nirentahang resort na sa King Leonard Island Resort na matatagpuan sa Bocaue, Bulacan. Binanggit din niya na masyadong malamig ang mga kwarto sa resort kaya pinili niyang matulog na lamang sa tubig.

Bahagi ng kanyang pinsan na si Iris Vicencio,

"We're on a family outing and walang nang space sa kama, so my dr*nk cousin put on his trunks and said, 'dun na lang ako matutulog sa swimming pool'. Kala ko joke lang, seryoso pala. Hahaha."

Noong narinig niyang sabihin ito ng kanyang pinsan, akala ni Iris na nagbibiro lamang ito. Ngunit noong lumabas silang ng kanyang kapatid sa kwarto ay nagulat na lamang sila at nakitang totoong natulog na ang kanilang pinsang si Seth sa pool habang suot ang berdeng inflatable.

Ngunit pinaalalahanan naman ni Iris ang publiko na huwag gayahin ito dahil delikado. 

"It should go without saying that no one should do this too. We didn't stop my cousin because he's really a smart guy and always knows what he's doing, plus he had his friends around him the whole time awak from 1AM - 5AM, he's safe and alive."

Ibinahagi naman ni Seth na siya ay nakatulog sa pool ng bandang alas onse ng gabi at nagising siya ng alas tres ng umaga dahil sa ingay ng mga taong nag-lalaro ng volleyball sa pool. Hindi niya ito ininda at siya ay nakatulog ulit.

Nagising na lamang ang lalaki ng alas syete ng umaga dahil kinailangang linisin na ang swimming pool at ibinahagi niya na pitong oras siyang nakatulog habang palutang-lutang sa tubig.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso