Lalaking Nag-Demo ng Kanta sa Mall, Nagviral at Pinamangha ang mga Netizens








Karamihan sa atin ay biniyayayan ng talento. Mayroon biniyayaan ng talento sa pagkanta, mayroon naman biniyaan sa pagsayaw, sa pag arte, sa pamamahala ng bayan o bansa at marami pang iba. Karamihan din sa atin ay ginagmit natin ito sa pakikipagtimpalak upang matupad ang mga pangarap ng bawat isa sa atin. 

Ngunit paano kung isang araw ng iyong pamamasyal ay sinubukan mo lang naman kumanta at marami ang nakadiskobre ng talento mo. Gaya ng isang lalaki na ito na kumanta lamang sa mall at maraming mga netizens na ang nakapansin sa kaniyang talento.







Viral ngayon ang video ng isang lalaki na nagdemo ng kantang "Till I met You" sa isang mall. Sa post na binahagi ng Music OPM Songs, swabeng kinanta ni Kevin T. ang awiting pamababae talaga. Ang nakamamangha pa rito, boses babae talaga ang lalaking ito gayung si Kuh Ledesma ang orihinal na umawit nito. Walang bakas ng hirap sa kanyang mukha habang kinakanta niya ito kaya naman napabilib talaga ang mga netizens sa kanya lalo na siguro ang mga nakapanood at nakapakinig sa kanya ng live. 

Katunayan, umabot na sa mahigit 1.2 million ang kanyang video at ang ilang netizens pa ay nagsasabing nararapat lamang siyang sumali ng singing contest sa bansa at tiyak na ikapapanalo niya. Narito ang ilan sakanilang mga komento: "Ang galing ni Kuya! swabe ang birit e..." "Ay panalo to, dapat sumali siya ng Idol Philippines. ewan ko nalang pag di siya naka-4 yes" "Pag pumikit ka akalain mong babae" "E mas magaling pa ata tong kumanta sakin samantalang babae ako" "clap clap clap sayo kuya! galing. parang girl" 




Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso