Mabait Na Netizen Nanawagan At Hinahanap Ang Nakaiwan Ng Php10,000 Sa Isang ATM



Sa panahon ngayon, kung pera ang usapan, tiyak na marami ang nasisilaw at hindi na mapagkakatiwalaan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay mayroon pa rin palang mga mabubuting tao na hindi basta-basta nasisilaw sa pera. 

Isang mabait na netizen na si Aries Cave ang nanawagan sa kanyang social media account sa sinumang tao na nakaiwan ng pera sa cash dispenser ng isang automated teller machine (ATM) ng BDO sa may Waltermart-Muñoz.

Sa kanyang Facebook page ay nagbigay ng mensahe ang netizen at sinabi na:

"Good day po. Baka may kakilala kayo na nag-withdraw sa BDO sa Waltermart Muñoz. 'Di nakuha 'yong pera at resibo, naiwan sa ATM. Kinuha ko kasi baka makuha ng iba at 'di ibalik sa may-ari. Kawawa naman."

Minabuti ng netizen na kuhanin muna ang sampung libong piso (Php10,000) na perang naiwan sa ATM upang matukoy kung sino talaga ang nagmamay-ari nito at upang hindi makuha ng ibang tao na may nais angkinin na lamang ang pera.
Base sa resibo ng transaksyon, ang withdrawal ay naganap ng 11:43 ng umaga at sakto naman nang magwi-withdraw na si Cave ay nakita niya ang pera na naiwanan sa cash dispenser ng machine.

Maaaring nagmamadali o nakalimutan ng nagwi-withdraw na kuhanin ang pera kaya naiwan na lamang niya ito. 

Wika ni Cave na minabuti na lamang niya na iwanan sa bangko ng BDO ang pera na nakuha niya sa ATM.

"Kayo na po mag-clain doon. Papasa po sa iba para makuha ng may-ari to." dagdag pa niya.

Marami naman ibang netizen ang pumuri at humanga sa katapatang ipinakita ni Cave dahil bibihira na lamang ang mga taong matapat ngayon at hindi basta basta nagkaka-interes sa mga bagay na hindi naman kanila. 

Gayunpaman ay hindi na nagbigay ng update kung na-claim na ba ng tunay na may-ari ang perang naiwan sa ATM. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda