Mag-iina, Nag Away-Away at Nagsumbong pa kay Tulfo Dahil Lamang sa Sushi







Kamakailan lamang, madaming nagalit na netizens sa dalawang anak na inaway ang kanilang magulang ng dahil lamang sa sushi. Naging malalim ang pag tatalo ng mga mag iina at hindi nila ito pinansin mula pa noong taong 2017 kahit na sila ay naninirahan sa iisang bahay lamang. Ang masama pa nito, kahit na siya ang may ari ng bahay ay hindi nila pinapayagan makapasok ang kanilang ina sa ibang parte ng bahay maliban na lamang sa kanyang sariling kwarto.




Dahil hindi na makayanan ni nanay Maria Magdalena Austria, pumunta ang matanda at humingi ng payo kay Raffy Tulfo upang mapag ayos ang mag iina. Ayon kay Nanay Magdalena, nag simula ito sa sushi. Isang araw noong taong 2017, may isa silang kamag anak na naka pangasawa ng foreigner at bumisita sa kanilang bahay. Sumang-ayon naman si nanay Magdalena sa mga bisita na gusto nilang kumain ng sushi at pinag malaki pang marunong mag gawa ang anak niya na si Kren ng pagkaing ito dahil ito ay nag tatrabaho sa cruise ship.





Sa halip na maging masaya ang anak na si Kren dahil pinag malaki siya ng kanyang ina, nagalit ito at ang kanyang kapatid na si Irish dahil nag iipon sila dahil ito ay buntis at ang sushi ay mahal at mahirap gawin. Maraming mga isyu ang lumabas noong nakausap ni Raffy Tulfo ang mag kakapatid. Sinabi ni Nanay Magdalena na tinangal ng mag kakapatid ang internet access nito sa bahay at nag away away pa sila noong balak ibalik ni Nanay Magdalena ang wifi.

Sa galit ni Nanay Magdalena, na sampal nito ang kanyang anak na si Karen at ginantihan naman ng anak ang kanyang ina sa pamamagitan din ng sampal gamit ang kanyang tsinelas. Makalipas ang ilang mga araw, nag lagay ang mag kakapatid ng mga warning signs sa loob ng kanilang bahay upang hindi makapunta ang kanilang ina sa ibang parte tulad ng kusina at living room. Ang masama pa nito ay hindi pa makausap ng ina ang kanyang mga anak kahit na sila ay naninirahan sa iisang bubong. Dalawang taon ang nakalipas, hindi pa rin pinapansin ng mag kakapatid ang kanilang ina at binigyan pa nila ito ng cold treatment.


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!