Magkaibigan, Inireklamo ang isang Condo Dahil Hindi Sila Makalipat Kahit na ito ay Bayad Na







Dismayado ang dalawang magkaibigan sa di umano'y paglipat nila sa condo na binayaran nila dahil hindi pa sila makalipat. Idinulog nina alyas "Dyan" at "Mae" ang kanilang problema sa "Lingkod Kapamilya" upang magreklamo at humingi ng tulong. Kuwento ni Dyan, naghahanap sila ng condo ni Mae noong Marso nang makita sa Facebook ang ibinebenta umanong condo ng isang nagngangalang Ellie. 

Swak sa budget at malapit lang umano sa pinagtatrabahuan ang naturang bahay kaya kinausap ni Dyan si Ellie sa Facebook at kinalauna'y nagkasundo sa kanilang ang deal. Nakapag-bayad na ng downpayment na nagkakahalagang P7,000 ang magkaibigan at nakita na rin nila mismo ang unit. Ngunit noong bisperas ng araw ng paglilipat nila sa naturang condo unit ay doon na umano nagsimulang magbigay ng iba't ibang dahilan ang unit owner. 






"Marami po siyang alibi na hindi pa po makakaalis, may damit po siya roon, may nasira po, may leakage ganyan," ayon sa magkaibigan. Matapos pa noon, nalaman umano ng magkaibigan sa Facebook na may iba pa raw na nabiktima ang alias Ellie na ito sa mga facebook groups ng bentahan ng mga condo units. Kinalauna'y nakilala ang umano'y unit owner na si Xylene Senera, na napag-alamang ahente pala ng online home rental service na AirBNB at ang kaniyang kasamahan umano ang nakausap ng magkaibigan. 

Pero hindi naging kumbinsido rito si Mae. "Eh mukha mo ang nasa parehong profile photo eh," aniya sa pakikipag-usap kay Senera sa naturang palabas sa telebisyon. Giit ni Senera na "naipit" lang siya sa nangyari at ginamit lang umano ni Ellie ang kaniyang larawan sa pakikipag-usap kina Dyan at Mae sa social media. Ayon pa kay Senera, nagkaroon ng iba't ibang problema sa pagpaparenta niya ng condo at nalaman din umano nina Dyan at Mae na hindi nagpapa-renta ang talagang may-ari ng unit. 



Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese