Melai Cantiveros, Binahagi ang Kabutihang Ginawa Sa Kanya ni Vina Morales na Hindi Nito Malilimutan







Nitong nakaraang araw lang naguest sa Morning TV show na 'Magandang Buhay' kasama si Barbie Imperial. Habang nag-uusap sila dahil itinuring ng parang ina ni Barbie si Vina hindi lang dahil sa dati nilang palabas ngunit mabait rin itong kasama sa totoong buhay. 

Kontrabida man sa palabas, hindi maiaalis na kabaliktaran rito ang nangyayari sa totoong buhay. Dahil ayon sa kwento ni Melai. Matapos ang pagbibigayan ng mensahe ni Barbie at Vina tungkol sa kung gaano sila nagpapasalamat na dumating sila sa buhay ng isa't isa, sinabi na rin ni Melai na kung gaano siya nagpapasalamat sa kabaitang dala ni Vina Morales kahit na isa ito sa pinakatinitingalang artista noon at hindi pa gaanong kasikat ang mag-asawang Melai at Jason.






"Uy mabait talaga yan si Ate Vina, Barbie. Bakit? Nag-tour kami sa isang bansa, kasama namin si Ate Vina. Alam mo, galing kami sa economy, pina-business class niya kaming dalawa ni Jason," aniya. "Very sweet talaga yan siya, di ko talaga makalimutan yun forever." Dagdag pa niya.  "Hindi, nakiusap lang tayo dun sa airlines," tugon naman ni Vina






Pinakiusapan umano niya ang airlines na ilipat ang mag-asawa sa business class at pumayag naman ang mga ito. Pero lubos pa rin ang saya at pasasalamat ni Melai sa kanyang kabaitan. Sa mga panahon na iyon, hindi pa sila masyadong close ni Vina at mukhang siya pa ang tumulong sa mag-asawa ng wala man lang hinihinging kapalit. Huwag sana natin silang husgahan basta basta dahil lamang sa mga pinapalabas sa telebisyon na kung saan ay kontrabida sila dahil kakaiba naman talaga sila sa totoong buhay. Ngayon ay walang teleserye si Vina ngunit mapapanood natin siya linggo linggo sa ASAP.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!