Nagbukas na ang Pinakamahal na Private Island sa Buong Mundo at Matatagpuan ito sa Palawan!








Nag bukas na sa wakas ang pinakamahal na hotel resort sa publiko sa halagang $100,000 o P5,194,000 isang gabi. Ang Banwa Private Island ay matatagpuan sa Palawan, na kung saan ito ay dalawang oras mula sa Maynila. Ang resort na ito ay may laki ng labinglimang hektarya, kung saan maari kang mag laro ng tennis, beach volleyball, at mag kayak o lumangoy sa mala-kristal na tubig ng dagat ng sulu.




Ang pribado at tagong resort na ito ay maaring tumanggap ng apat napu at walong bisita sa isang gabi na kung saan maari silang manatili sa anim na beach-front villa  na may kasamang private jacuzzi deck, inifinity pool o garden suites. Bawat kwarto ay dinisenyo ng kumpanyang Manosa and co, sa kolaborasyon ng MAP HK at Aquos Group. Makikita mo ang dagat ng Sulu at ang white sand beach nito kapag ikaw ay nanatili sa dalawang palapag na villa ng resort. Makaka asa naman ang mga bisita na lahat ng pagkain na hinahanda sa resort ay masarap at masustansya dahil lahat ng sangkap nito ay lumaki sa organic farm ng Banwa.






Kasama sa villa na iyong matutuluyan ay ang open kitchen nito na kung saan pwede kang mag paluto sa sarili mong chef sa tulong ng kanilang nutritionist upang ikaw ay makasigurado na lahat ng iyong kinakain ay balanse sa kailangan ng iyong katawan. Inaalok din ng luxury resort ang cooking masterclass sa pangunguna ni celebrity chef, Nadeja Bouacaha na kung saan pwede mo siyang sabayan mag luto habang hinahanda ang iyong pag kain.

Ang islang ito ay maari mong puntahan sa pamamagitan ng helicopter, private jet, o sea plane. Mayroon ding gym, massage suit, pilates studio, tennis court, jogging track at soccer field ang luxury resort na ito. Kasama sa $100,000 na halaga ay ang unlimited amenities at activities, at ang kanilang unlimited spa treatments, ngunit, kailanga mong manatili ng tatlong gabi para maranasan ang mga ito.


Comments

  1. Never mind..I am enjoying unlimited nature & the sea here in Palau just by my house..Tnx

    ReplyDelete
  2. 5M per night, kng 3 nights ka, tumagaginting na 15M. Makakabili n aq ng bahay sa resorts mismo sa halagang iyon, unlimited pa ang stay ko.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso