Nakaka-inspire Ang Single Mom Na Tindera Ng Isda Na Ito Dahil Napagtapos Niya Ng Medisina Ang Kanyang Anak


Hindi madali ang maging isang single parent lalo na't kung mag-isa mo lamang na itinataguyod ang iyong anak. Ngunit ang lahat ng sakripisyo ay kakayanin ng isang ina mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanyang anak. 

Ang 55 taong gulang na ina na si Nanita Ronquillo ay isang tindera ng isda sa palengke. At bilang isang single mom, hindi niya sinukuan ang kanyang anak na mapagtapos ito sa kanyang pagme-medisina hanggang sa maging isang doktor na ito.

Ngunit hindi naging madali ito sa kanya, sa katunayan isa itong malaking pagsubok sa kanilang buhay simula ng iniwan niya ang kanyang asawa dahil napag-alaman niya na mayroong pala itong ibang pamilya. 

At simula noon ay mag-isa na niyang itinaguyod ang pagpapa-aral sa kanyang anak na si Nico. 

Higit 20 taon nang nagta-trabaho si Aling Nanita bilang isang fish vendor. At araw-araw ay pumupunta ito sa palengke ng madaling araw pa lamang upang maihanda na ang kanyang mga panindang mga isda. 

Kada araw ay kumukita siya ng higit o kumulang ng isang libo sa pagtitinda. Kung minsan ay nakakauwi siya ng tanghali pero mayroong mga pagkakataon na umaabot siya ng 5pm hanggang 6pm dahil kailangan niyang maibenta ang mga kanyang mga natitirang panindang isda. 

Minsan ay hindi rin nagiging sapat ang kanyang kinikita upang matustusan ang kanilang pang araw-araw. Mayroong ding panahon na napahinto si Nico sa pag-aaral dahil kinailangan niyang magtrabaho at tulungan ang kanyang ina.

Marahil hindi man makikita na iniinda ng kanyang ina ang hirap ng pagtitinda sa palengke lalo na't mayroon itong problema sa puso, ngunit mararamdaman na talagang tinitiis niya ang sakripisyo para mabuhay lamang ang kanyang anak at mapagtapos ito sa pag-aaral. 

Sa paglaki ng Nico, hindi man naging buo ang kanyang pamilya ay ipinaramdam naman ng kanyang ina ang buong pagmamahal nito sa pag-aalaga at pag-aaruga sa kanya. 

At bunga ng pagmamahal, pagod, at sakripisyo ni Nanita ay nakapagtapos ng medisina ang kanyang anak at ngayon ay isa ng lisensyadong doktor. 

Comments

  1. congratulation sa nanay at sa ky nico n nagsusumikap dn

    ReplyDelete
  2. congratulation po nanay❤️

    ReplyDelete
  3. Congrats po nanay sana maging successful din mga anak ko tulad ng anak mo.. At salamat din Nick na Hindi mo sinayang ang pagod at sakripisyo ng nanay mo proud ako na may mga anak na pabaya mo na iniisip din ang pagod at hirap ng kaninang mga magalang isa ka sa magandang halimbawa sa ating lipunan ngayon lalo na alam natin ang palakasan ng mga panibagong pabayaan...Goodluck ang Godbless po sa inyo at more blessings pa po😘😘😘🙏🙏🙏

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!