Nakalipad Na Ang Eroplanong Ito Ngunit Muli Itong Pinabalik Dahil Naiwan Ng Isang Inang Pasahero Ang Kanyang Anak Sa Airport


Napakahalaga ang maging alerto sa pagsakay at pagbaba ng eroplano upang walang maiwang kahit ano sa airport. 

Pero ang isang Saudia airplane ay napilitang bumalik kahit na ito ay nakalipad na sa himpapawid dahil sa isang napakimportanteng rason, may naiwan silang isang sanggol sa airport.

Ang flight SV832 na palipad galing Jeddah patungong Kuala Lumpur ay kinailangang bumalik sa airport matapos sinabi ng isang ina sa mga crew na naiwan niya ang kanyang anak sa waiting area ng King Abdulaziz International Airport terminal.

Hindi naging malinaw kung kailan tiyak na naalala ng ina na naiwan ang kanyang anak ngunit noong nakalipad na at nasa mid-flight na ang eroplano ay doon pa lamang niya sinabi sa mga flight crew ang kanyang sitwasyon. 

Sa isang video, ang piloto ay nagrerequest sa Air Traffic Control (ATC) operators upang bigyan sila ng permission upang bumalik sa terminal. Ang pilot ay agad-agad din na gumawa ng paraan upang mailiko ang eroplano para makabalik at mukha ang naiwang sanggol.

Maging ang mga ground staff sa airport ay nagulat dahil inaalam nila ang totoong dahilan kung bakit bumabalik ang eroplanong kaka-take off palang. Subalit ang mga Dubai flights naman ay mayroong permisong bumalik sa kanilang point of departure kapag may emergency case na nangyayari.

Narito ang naging komunikasyon ng piloto at ng ATC operator:

Pilot: May God be with us. Can we come back or what?
ATC Operator: This flight is requesting to come back... a passenger forgot her baby in the waiting area, poor thing.

Muling kinumpirma muna ng ATC operator ang totoong dahilan ng kanilang pagbalik at diniin ng piloto na naiwan nga ng isang ina ang kanyang sanggol sa terminal at pinahintulutang matuloy ang flight.

Mabuti na lamang at pinayagan silang makabalik ng agad sa oras. Samantala, pinuri naman ng mga netizens ang mabilis na pagiisip at pagdedesisyong bumalik ng piloto upang mailigtas ang sanggol na naiwan. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso