Nakapukaw Ng Atensyon Ang Isang Estudyante Na Ipinambabayad Ang Panindang Basahan Dahil Wala Itong Pamasahe


Maraming mga estudyante ang hindi nabibigyan ng sapat na baon ng kanilang mga magulang dahil sa hirap ng buhay. Minsan para matakulong sa kanilang mga magulang ay pinagsasabay na nila ang paghahanap buhay at pag-aaral. 

Para sa isang bata o estudyante ito ay isang malaking pagsubok dahil maagang namumulat ang kanilang mga mata sa pagbabanat ng buto. Katulad na lamang ng isang estudyanteng ito na nagtitinda ng mga basahan.

Bahagi ng netizen na si Jade De Luna, nakita niya na sumakay sa kanya ring sinasakyang jeep ang isang babaeng estudyante na may dala-dalang mga basahan. Ngunit ang mas nakaagaw sa kanya ng atensyon ay nang sabihin ng bata sa driver na kung pwedeng basahan na lamang ang kanyang pambayad dahil wala pala itong pamasahe. 

Bahagi ng netizen,
"Share ko lang po yung karanasan ko kanina. So, kanina late na po ako and traffic pa, at nung nasa bandang La Forteza na po kami, biglang may isang estudyanteng babae na may dala-dalang basahan ang sumakay na kumuha ng aking atensyon."

Narinig ng netizen ang pag-uusap ng estudyante at ng driver. Noong una ay tinanong ng bata kung magkano ba ang kanyang pamasahe hanggang Libis at sinagot siya ng driver ng otso pesos. Ngunit nakiusap ang bata kung maaaring basahan na lamang ang kanyang pambayad.

Estudyante: Manong! Mag kano po yung pamasahe hanggang libis po?
Driver: otso
Estudyante: pwede po bang basahan nalang?
Driver: *tumango*
Lalaki: Ay sige ako na *sabay kuha ng pera sa bulsa*
Estudyante: ay, salamat po!
Driver: ay sige wag na.
Estudyante: salamat po!!
Lalaki: magkano ba yang basahan?
Estudyante: sampo lang po
*Binigyan siya ng bente pesos ng lalaki*
Estudyante: wala po akong panukli
Lalaki: sige iha, sayo na yan wag mo na sukulain
Estudyante: salamat po!
Babae: magkano yan ineng?
Estudyante: sampo po.
Babae: o ito, sayo na yan. *binigyan ng bente*

Samantala, kinausap rin ang estudyante ng isa pang pasahero na kanyang katabi at tinanong kung saan ito nag-aaral. Napag-alaman na sa Tala High School sa Caloocan ito pumapasok at ang kanyang mga magulang ay nagtitinda rin ng mga basahan. 

Bahagi ng netizen na nawa'y magsilbing inspirasyon ang estudyanteng ito dahil sa kanyang kasipagan sa pagtulong sa kanyang mga magulang. 

"So, ayun nakakaiyak na nakakatuwa lang po, na di siya huminto sa pag-aaral kundi pinagsasabay niya ang pag-aaral habang natitinda ng basahan. Eh yung iba nga sa atin ay pa chill-chill lang at sagana, pero nagagawa paring mag cutting classes at yung iba pa diyan tinatamad pumasok. Sana gayahin natin si ate gurl and sana maging inspirasyon siya sating mga estudyante."

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda