Napakasimple, Alwyn Uytingco At Jennica Garcia Nakitang Namimili Sa Divisoria



Kapag sinabing mga artista o celebrities, ang unang pumapasok sa ating isipan ay may magarbong pamumuhay. Ngunit ibahin natin ang celebrity couple na ito na si Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Bigla na lamang nawala sa showbiz ang dalawa noong sila ay nagsimulang magkaroon ng sariling pamilya at piniling mamuhay ng simple at pribado.

Pinagkakaabalahan ngayon ng mag-asawa ay ang kanilang plant business na "duwende in a pot." Na talagang hands-on ang kanilang pagmamanage dahil sila pa mismo ang bumibili ng supplies para dito. 

Nakitang namimili sa palengke ng Divisoria si Alywn at Jennica na nakapa-simple lamang ng suot. Sa Instagram post ni Jennica ay ipinost pa nga niya ang larawan nilang dalawa na nakasakay sa isang tricycle habang may bitbit na mga de-kahon na mga pinamili.

Sa katunayan, noong araw na namalengke sila sa Divisoria ay ang araw pa mismo ng kanilang anniversary. Sa photo na ibinahagi ni Jennica ay mayroon itong caption na:

"Today marks our 9th anniversary. We celebrated it at Divisoria! Hahahaha! May mga kulang kasi para sa munti naming plant shop na @duwendeinapot. Sa unang litrato nakapag sweety sweety pa sa tricycle dahil wala pang gma bitbit na pinamili pero ito ngayong pauwi na kami sa mga anak namin hindi na kami magkasya sa tricycle hahaha!"

Nabanggit din ni Jennica na sumakay rin sila ng LRT papauwi dahil kailangan nilang makauwi bago 6pm dahil aasikasuhin pa nila ang kanilang mga anak.

"An anniversary spend ANYWHERE is fine with me as long as I spend it with you."

Dagdag pa niya na naging malaking pagsubok ang kanilang hinarap noong nakaraang taon sa kanilang buhay mag-asawa ngunit nalagpasan nila ito at nanatili pang matatag ang kanilang pagsasama ngayon.

"My heart's desire is for you to know and feel that you are valued and loved in our home. Mahal kita Alwyn. Mas mahal pa kita ngayon kaysa noon. Happy Anniversary sa atin."

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!