Nasabat Sa Immigration Ang Isang Pinoy Dahil Sa Mali-Maling Page Number Ng Kanyang Passport


Ang passport ay isang napaka importanteng dokumento na kailangan ng mga taong nagta-travel sa ibang bansa. Ito ay iniiisyu ng gobyerno at kung wala kang hawak na ganito ay hindi ka makakalabas ng bansa. 

Dahil nagkaroon ng isyu tungkol sa pamemeke ng mga dokumento tulad nito, mahigpit nang sinusuri ng mga opisyal ang validity ng dokumento bago pa makalabas ng bansa ang isang tao upang matiyak kung legitimate o hindi ito fake.

Ang netizen na si Carlos Canlas ang nagbahagi ng isang mapait na karanasan matapos matuklasan na ang kanyang passport ay mayroong pagkakamali sa page numbering. Bago pa siya makaalis sa bansa ay nasabat na siya sa Bureau of Immigration dahil pinaghihinalaang peke ang kanyang passport.

Makikita sa larawan na kanyang shinare ay hindi nga naman magkakasunot-sunod ang numbering ng bawat pahina. Mukhang nagkarambol-rambol ang mga page numbers ng kanyang passport kaya pinagdudahan ito ng immigration officer. 

Nang mai-share ito ni Canlas sa kanyang social media account ay nagbigay ito ng babala sa mga netizens na suriing mabuti ang mga dokumento at tiyakin na walang mga pagkakamali at iba pang discrepancies. Dahil maaari itong maging dahilan ng pagkaantala ng iyong pagta-travel kahit na hindi mo naman ito kasalanan.

Kung sa totoong pera nga ay nagkakaroon ng depekto sa printing, hindi malayong maaari rin pala itong mangyari sa iba pang government documents tulad sa passport ni Canlas.

Pahayag ni Canlas,

"For those getting or renewing their passport, double check all the details and the pages of your passports before traveling abroad. Got hold at immigration because of this stupid error! FYI..

When i received my passport, all the important details like my name, birthdate, etc.. are correct so I didn't bother checking all the pages. Who checks their passport ba page per page? Anyway. Thought of sharing this so it won't happen with you guys. Iwas abala na rin or hassle sa bakasyon."

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!