Netizen, Binahagi ang Isang Inspiring Story ng Mag-Ama na Nasaksihan niya sa Bus na Byaheng EDSA








Isang malaking ehemplo at tungkulin ng lalaki ang pagiging ama sa kanilang mga anak. Malaki din ang kanilang ginagampanan na tungkulin upang buhayin ang kanyang pamilya. Minsan sa libre nilang oras, nakikipag laro sila sa kanilang mga anak. Tinuturuan nila ito upang maging responsable, mag tiwala sa kanilang sarili at maging malaya upang hindi umasa sa ibang tao. Ang ating mga ama din ang nag hahanda sa atin upang harapin ang tunay na mundo.

Nakakagaan ng puso ang makabasa ng mga storyang tungkol sa pag mamahal at sakripisyo ng mga ama sa buong mundo. Itong storyang ito ay para sa mga ama natin na mag-diriwang ng Father's Day sa darating na dalawang linggo. Noong ika bente singko ng Mayo, ibinahagi ni Marivic Ando Natividad sa kanyang Facebook account ang isang nakakaantig na kwentong kanyang nakita noong nakasakay siya ng bus patungo sa kanyang trabaho.







Ikwinento niya na noong araw na iyon, na isip niyang sumakay ng bus papunta sa kanyang trabaho, kung saan hindi naman ito ang kanyang nakasayanang sakyan. Umupo siya sa tabi ng batang may kap@nsan4n na walang ginawa kung hindi ngitian siya habang nakasakay siya sa bus. Napansin ni Marivic na alam ng bata ang lahat ng daan at mga bus stop. Pinapahinto niya ang drayber ng bus kapag may mga pasaherong bababa ng bus.

Kwento ni Marivic na mukhang masaya ang drayber sa ginagawang pag tulong sa kanya ng bata. Hindi niya napansin na mag ama pala ang bata at ang drayber ng bus hanggang sa umupo ang bata sa tabi ng drayber ng bus at sinabing, "Papa, papa. Narinig niya na tinanong ng drayber ang kanyang anak kung bakit ito umalis sa kanyang upuan dahil baka makita at mahuli sila ng traffic enforcer. Dahil ayaw umalis ng kanyang anak sa kanyang tabi, sinarado nalang ng drayber ang kurtina upang hindi makita ang kanyang anak. Ibinihagi din ni Marivic na madaldal ang anak ng drayber at nakikinig naman ang kanyang ama sa lahat ng sinasabi nito. Masaya din silang kumakanta habang nag mamaneho ang kanyang ama. 


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!