Pinagkaguluhan Ang Pagpapaulan Ng Pera Ng Isang Lalaki Sa Taas Ng Building


Napakahirap kumita ng pera. Pero paano kung nakita mong umuulan ng pera sa langit, ano kaya ang una mong gagawin? 

Isang lalaki ang nagbahagi ng post sa social media nang paliparin niya ang limpak-limpak na pera mula sa isang mataas na gusali. Sa isang mahirap na lugar sa Fuk Wa Street, Sham Shui Po sa Hong Kong ay doon pinaulan ng nasabing lalaki ang mga pera na tig HK$100 na talaga namang pinagpiyestahan ng mga tao. 

Kinilala ang lalaki bilang si Wong Ching Kit o mas kilala sa tawag na Mr. Coin. Nagpost ng caption ang lalaki sa kanyang social media account na, "robbing the rich to help the poor" matapos ang nasabing insidente.

Sakay nang isang luxury car ay lumabas ang naka black hoodie na lalaki at sinabi na:

"Does anyone of you believe that money can fall from the sky?"

Matapos niyang sabihin ito ay makikita na nagsimulang magsipag-hulugan ang mga pera sa isang building.

Ayon sa mga reports, ang lalaki na si Wong Ching Kit ay mayroong businesses na crypto currency, isang digital currency investment.

Dahil sa stunt na ginawa ng lalaking ito, ang mga taong naka-witness at dumaraan lamang sa mga oras na iyon ay nagkagulo upang makasalo lamang ng perang nagmumula sa itaas. 


Ilang sandali ay dumating ang mga Hong Kong police matapos na may magreport na may nagpapaulan ng pera sa Fuk Wa Street at upang arestuhin ang lalaki dahil sa ginawa nitong public disturbance. 

Ayon sa mga reports, higit sa $25,000 ang perang ipinamigay ni Wong Ching Kit. Mayroon ding iba't ibang mga reklamo na natanggap tungkol sa lalaki na nanloko ito ng ibang tao para mag-invest sila sa kanyang crypto business.

Nagbigay naman ng pahayag ang lalaki at sinabi na siya lang naman daw ay nagbebenta ng mga machine, kaya ang mga taong nag-iivest sa kanya ay maaring kumita ng pera o matalo. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing