Pinahanga Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Maging Ang Mga Netizens Sa 'Kakaibang' Bouquet Na Kanyang Ibinigay


Ang pagbibigay ng bouquet ng bulaklak sa iyong espesyal na tao ay simbulo ng iyong pagiging thoughtful at pagmamahal sa kanya. Tulad ng ibang mga magkasintahan, binibigyan ng isang lalaki ang kanyang nobya ng mga bulaklak kapag may okasyon tulad ng monthsary, anniversary, birthday, Valentine's, etc.

Ngunit kahit na gaano pa kabango at kaganda ang mga bulaklak na ito, paglipas ng ilang araw ay nalalanta at natutuyo rin ang mga ito. Kaya kung iisipin, hindi ito praktikal lalo na pa't napakamahal ng mga bulaklak ngayon.

Kaya naman ang isang lalaking ito ay nakaisip ng napaka-creative na paraan upang hindi masayang ang kanyang pera sa pagbili ng bouquet. 

Naisipan ni Vince Lubuguin na bigyan niya ng bouquet ang kanyang girlfriend na si Mikee. Ngunit kung usapang praktikal lamang ay hindi bulaklak ang kanyang inilagay mas maganda ang ideyang naisip ni Vince. 

Imbes na mga fresh na bulaklak o rosas ay binigyan niya ang kanyang kasintahan ng "grocery bouquet" na kung saan lahat ay magagamit o makakain. Sa kanyang espesyal na bouquet ay mayroong kasamang kape, chocolate milk drink, cereals, toothpaste, conditioner, sabon, snacks at kung anu-ano pa.

Dahil dito, nakatipid na ang kanyang girlfriend sa paggo-grocery dahil mayroong na siyang suppplies na magagamit para sa isang linggo. At ganoon rin si Vince dahil di hamak na ang kanyang nagastos para sa paggawa ng "grocery bouquet" ay mas useful naman kaysa sa mga bulaklak o rosas. 

Ibinahagi ni Vince na naisip niya ang ideyang iyon dahil gusto niyang surpresahin ang kanyang girlfriend ng kakaibang konsepto. Wagi naman ito sa puso ng kanyang nobya dahil magagamit niya ito araw-araw. 

Sa kabilang palad, na-impress rin ang mga netizens sa ideyang ito dahil talagang binigyan ng effort at creativity ni Vince ang kanyang espesyal na surpresa. Napahanga sila dahil ang perang kanyang pinagkagastusan sa pagbigay ng bouquet sa kanyang minamahal ay may tamang napuntahan at mapaggagamitan. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!