Pinoy Janitor Sa Canada Nanalo Sa Lotto Pero Ayaw Magresign Sa Trabaho


Kung tatanungin ano ang pinakamabilis na paraan para yumaman, ito na siguro ang manalo ka sa lotto ngunit iilan nga lang ba ang tiyansa mo para manalo? Napaka-swerte talaga ng mga taong nakakatama ng jackpot sa lotto dahil sila ay nagiging instant milyonaryo.

Malamang kung tatanungin ang isang tao kung ano ang unang gagawin kapag nanalo siya ng ganito kalaking halaga, ay sasabihin niya na magreresign na siya sa trabaho. Ngunit ibahin ang isang Pinoy janitor na ito sa Canada.

Ang maswerteng Pinoy na si Vito Halasan ng Surrey, Canada ay nanalo ng 7 million Canadian dollars sa kanyang tinayaan na 6/49 lotto noong Aprill 27, 2019. Makalipas ang ilang araw ay kinuha niya ang kanyang napanalunan na higit kumulang sa Php270 Million base sa current exchange rate.

Noong una ay hindi pa makapaniwala si Vito na napakaswerte niya. Dahil malabo na ang kanyang mga mata, talagang pinaka-tignan niya ng mabuti ang kanyang lottery ticket upang makumpirma kung siya ay totoong nanalo. 

"I remember scanning my ticket and seeing all these numbers. I have really blurry vision so I had to hold the ticket right up to my face. I couldn't believe it."

Sa sobrang pagkagalak ay tinawag niya ang kanyang anak upang sabihin ang magandang balita.

Wika ng kanyang anak, "He sat me down at the table. And then he whispered really quietly to me that he won $7 million dollars. I didn't believe him. We had to check online several times."

Taong 2009 nang lumipad patungong Canada si Vito upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak at apo. Dito ay nagtrabaho siya bilang isang janitor. Ngunit siya ay nangagarap pa na mabigyan pa ng magandang buhay ang kanyang pamilya kaya tumataya siya ng lotto at nagbabakasakaling manalo. 

At ngayon na maswerteng napanalunan niya ang ganitong kalaking halaga ay hindi lamang niya mabibigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya kundi makakabili pa siya ng magandang bahay para sa kanila.

Pero kahit na instant milyonaryo na si Vito ay ayaw pa rin niyang magfile ng resignation letter sa kanyang trabaho. Sa katunayan, binawasan na lamang nila ang kanyang oras sa pagtatrabaho.  

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda