Pintor Nagikot at Nagbenta ng Sariling Obra sa Halagang Php150 Dahil Walang Sariling Pwesto








Marahil marami sa atin ang nakakita na ng mga kamanghamangha at ka inspire inspire na mga tao sa araw  araw na buhay natin. Kahit pa man ito ay simpleng nagtitinda ng kakanin o ng mga tusok tusok sa kalsada upang maitaguyod ang araw araw nilang buhay ay nagbibigay aral sa atin. Ngunit paano kung isa nanamang nakakainspire na aral ang maaring makuha sa isang pintor na nagpapakita ng katibayan sa buhay at ng talento na talaga namang kamangha mangha.

Nag-viral ang kwentong binahagi ng isang netizen patungkol sa isang matandang pintor na nag-iikot para mag-alok na iguhit ang kahit sinong makilala. Sa post ni Maeriel Aquino, aminado siyang natakot nang bigla na lamang lumapit sa kanila ang isang matandang lalaki. Tumabi pa ito sa pinsan ni Maeriel na kasama niya nang araw na iyon at hinaplos pa ng matanda ang buhok ng bata. 








Sumunod na tinanong nito kung kaarawan ba ng bata at maganda ang suot nito. Sinabi naman ni Maeriel na mahilig lamang talaga ito sa 'Disney Princess' kaya tuwing lumalabas, nakabistida talaga ito. Dahil di pa rin sila komportable sa matanda, tinawag na ni Maeriel ang kanyang tiyo para ito na ang makipag-usap sa lalaking di kilala. Doon nalaman nilang gumuguhit pala ito. Pinaliwanag niya na wala lang daw siyang pwestong makuha kaya naman nag-iikot na lamang siya para mag-alok ng mga toang guguhitan niya.

Nagkakahalaga lamang na ₱150 ang obra ng matanda. Halos kuha nga nito ang mukha ng batang si Kendra na kinatuwa rin ng bata. Binanggit din ni Maeriel na nasa Scrapyard restaurant ang pintor tuwing Sabado at Linggo at mula Lunes hanggang Biyernes nasa SM Angono naman siya. Marmaing netizens ang humanga kaya naman bilin ni Maeriel na kung sino man ang mga magpapagawa kay tatay Art Cuvinar, dagdagan na lamang daw ito para na rin matlungan ang matanda. Umani na ng 49,000 reactions ang post at maraming komento ang positibo para sa ikakaunlad ng matanda.



Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso