Pinuri Ang Mabait Na Flight Attendant Sa Pagkarga Ng Isang Baby Para Makapagpahinga Ang Ina Nito



Hindi madaling mag-alaga ng bata lalo na't kung wala kang kasalitan at ikaw ay nangangailangan na ng pahinga. Ito ang isa sa mga nagiging challenge sa mga magulang at sa isang ina na ito nag-travel mag-isa kasama ang kanyang baby.

Ang ina ng bata ay si Savannah Blum, isang teacher na nagtravel mula sa Texas upang bisitahin ang kanyang pamilya at pabalik na sa kanyang tahanan sa Reno, Nevada na mayroong connecting flight sa Las Vegas. Kasama niya ang kanyang 19 month old na baby na si Brittan 

Sa kanilang pagbibiyahe, ang kanyang anak ay ayaw matulog sa flight na kadalasan naman nitong ginagawa. Ayon sa mga report, naging iritable ang kanyang anak noong pre-flight demonstration pa lamang.

Dahil pagod na pagod na rin ang kanyang ina sa pagbibiyahe ay hindi niya mapatahan ang kanyang anak. Buti na lamang at mayroong isang mabuting flight attendant na lumapit sa kanila at sinabi na huwag mag-alala at siya na muna ang bahala kay Brittan.

"Come here baby, I got her, Mama. You go sit down." sabi ng flight attendant.

Dahil sa kabaitan at concern na ipinakita ng flight attendant ay kahit papaano ay nakapagpahinga ng kaunti ang pagod na ina. 

Habang nagde-demo ang flight attendant ay karga-karga niya ang baby at tumahan naman ito. Makikita na naging komportable ito at nagbibigay pa ng flying kisses sa mga ibang pasahero.

Dagdag pa ng ina, "Everyone loves this little girl-- even Southwest passengers and flight attendants."

Saad naman ng airline company,

"Our employees take pride in delivering our legendary Southwest Hospitality, so it's not surprising that one of our amazing Flight Attendants shared her Southwest Heart while helping to care for one of our youngest customers in such a sweet, fun way!"

Samantala, hinangaan naman ng mga netizens at iba pang airline passengers ang kabaitang ipinakita ng flight attendant. Hindi lamang niya napatahan ang iritableng sanggol kundi nabigyan niya pa ng oras para makapagpahinga ang ina nito.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso