Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran



Natural na hinahanap ng mga amo ang kanilang mga alagang hayop lalo na kung ito ay bigla na lamang nawala sa kanilang paningin o may ginagawang kakaiba. Ngunit ang mga hayop tulad ng mga aso ay talagang sadyang mapaglaro, makulit at minsan ay nakakapag-uwi pa ng mga kung ano-anong bagay na kanilang natatagpuan.

Katulad na lamang ng karanasan ng isang aso na ito na may dala dalang isang di inaasahang nakakatawang surpresa sa kanyang amo. 

Nang umuwi sa bahay isang araw ang amo na si Lucas Alves Magalhaes ay nadatnan niya ang kanyang alagang aso na si Pandora na naglalaro sa kanilang bakuran. 

Napansin niya na tila may binubungkal sa lupa ang kanyang alagang hayop. At dahil hindi niya makita ng malinaw kung ano ang kinakalkal nito kaya ito ay kanyang tinawag.

"I couldn't see what it was, so I called her in. When I lifted her head, I almost d*** from laughing."
Nang makita ng malapitan ni Lucas ang kanyang aso ay laking gulat at tawang tawa siya sa nakitang bagay na natagpuan ng kanyang aso.

Nang inangat niya ang bibig nito ay nakita niya ang isang pustiso na tila suot-suot ng kanyang alaga dahil eksaktong nag-swak ito sa mismong bibig ng kanyang aso.

Natuwa si Lucas sa istura ng kanyang alaga dahil para itong nakangiti sa kanya. Kaya naman hindi niya napigilang kunan niya ito ng letrato bago tanggalin ang mga false teeth sa bibig ng aso at itapon na ito sa basurahan.

Tiniyak naman ni Lucas na wala sa kanila ang nag-mamayari ng natagpuang pustiso at posibleng pag-aari ito ng mag-asawang matanda na dating nag-mamayari at nanirahan sa kanilang bahay. 

"They may have changed their dentures and b*ried this one in the backyard. There's no other explanation because I know it's not ours," saad naman ni Lucas.

Tiyak na maraming netizens rin ang natawa sa istura ng aso na si Pandora nang mai-share ng kanyang amo ang kanyang picture sa internet.

Comments

  1. Its so funny 😂😂🤣🤣 i laugh hard ! 😁😁😁😁

    ReplyDelete
  2. False teeth may prevent her to bite. I get an idea for my Chichi
    🤣🤣🤣🤣

    ReplyDelete
  3. super funny...

    ur dog makes me laugh

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!