Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak


Sa hirap ng buhay ngayon, maraming mga magulang ang doble ang sakripisyo para lamang mabuhay ang kanilang mga pamilya. Gagawin ng isang responsableng ama ang lahat ng kanyang makakaya masustentuhan lamang ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. 

At minsan dahil sa mas inuuna nila ang kapakanan ng iba ay hindi nila namamalayan na napapabayaan na pala nila ang kanilang sarili. Katulad na lamang ng isang kwento ng isang amang tindero na ito.

Isang post ang nagviral tungkol sa isang ama na naglalako ng kanyang mga paninda habang karga-karga ang kanyang anak.

Kahit na mukhang hirap na hirap na ang lalaki sa pagtitinda lalo na't bitbit niya ang kanyang anak ay patuloy pa rin ang pagkayod niya sa paghahanap buhay Ngunit nagulat ang mga netizens nang makita nila itong nahilo at napaupo na lamang sa isang tabi.

Mabuti na lamang at mayroong mga mabuting citizens na tinulungan at binigyan siya ng gamot at pagkain noong siya ay nahilo hanggang siya ay nahimasmasan.

Sa post ng Hanep TV, naglagay ito ng caption na:

"Naiyak ako dito kay kuya, habang naglalako siya ng paninda niya nahilo siya at nahimat^y kaya binigyan siya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan, kasa-kasama niya anak niya. siya lang nagtataguyod sa anak niya, may sak!t daw po asawa kaya todo kayod siya. Kahit anong hirap daw ng buhay hindi niya pababayaan asawa't anak niya, itataguyod niya sa marangal na paraan. Saludo kami sayo kuya, pagpalain ka ng Poong may kapal dahil sa ginagawa mong sakripisyo sa pamilya mo."

Maraming netizens humanga sa kasipagan at katatagan ng amang tindero. Dahil kahit na hirap na hirap na siya ay patuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho mabuhay lamang ang kanyang pamilya sa marangal na paraan. Samantala, marami rin ang nag-aalala at humihiling na sana ay matulungan ang lalaki at ang kanyang pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso