Valerie Concepcion Ibinahagi Ang Kanyang Naging Pagsubok Noong Nabuntis Siya Ng Maaga Sa Edad Na 16



Dumarami na ang kaso ng teenage pregnancy sa panahon ngayon. At isa sa mga artistang nabuntis ng maaga ay si Valerie Concepcion.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang pagsubok na naranasan noong siya ay mabuntis ng maaga sa edad na 16 years old. At nais niyang ipabatid sa mga teenagers na kung gaano kahirap maging isang teenage mother.

Unang-una hindi madali ang maging isa ina, lalo na pa kung ikaw ay wala pa sa tamang edad.

Ibinahagi ni Valerie na noong 15 taong gulang ng siya ay unang ma-inlove. 

"Sobrang na-inlove ako, tapos siya yung first boyfriend ko akala ko magpapakasal-- hello 15 ako nung naging kami, so parang feeling ko fairytale, eto na yon."

Dagdag pa niya na hindi rin alam ng kanyang mga magulang niya noon na siya ay nasa isang relasyon. 

"Hindi nila alam na may boyfriend ako. Tapos, diretso buntis agad, so hindi ko alam kung paano sasabihin.

Dumating sila sa punto noon na inanyaya siyang magpakasal ng kanyang boyfriend ngunit laking pasasalamat na lamang niya sa kanyang mga magulang dahil hindi sila pinayagang magpakasal. Tumutol ang kanyang mga magulang dahil pareho pa silang bata. 

Ang napagkasunduan nila na kapag 18 taong gulang na si Valerie at nasa legal age doon ay pwede na siyang magpakasal kung gusto niya. Ngunit di kinalaunan ay naghiwalay sila ng kanyang kasintahan.

Aminado si Valerie na hindi naging madali ang kanyang maagang pagbubuntis at palagi siya noong umiiyak.

"At the age of 16, una iyak-iyak lang ako. And then bigla na lang sabi ko sa sarili ko, kung wala akong aasahan kailangan isipin ko sarili ko. Magtrabaho na ko, kasi may buhay na akong susuportahan e. So automatic, yung mother's instincts ko lumabas."

Namulat ng maaga kung paano maging isang single mom si Valerie, nagtrabaho siya at nagsikap upang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang anak. Ngayon ang kanyang anak ay 14 taong gulang na. At muling ipinagpatuloy ni Valerie ang kanyang pag-aaral hanggang siya ay nakapagtapos sa kolehiyo.

Ngayon at nasa tamang edad na siya ay muli na siyang nakahanap na pag-ibig at engaged na sa kanyang kasintahan na si Francis Sunga.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!