Viral Ang Photo Ng Isang Kawawang Matanda Na Nagtitinda Ng Tinapay Umaga Hanggang Gabi Para Maipa-Ospital Ang Anak


Napakasaklap makakita ng mga nagtitinda na kahit sobrang tanda na nila ay patuloy pa rin ang kanilang paghahanap buhay. Dahil sa hirap ng buhay at kailangan nilang kumita ng pera, tinitiis pa rin nila ang pagod ng pagtatrabaho imbes na sana sila ay nagpapahinga na lamang sa bahay.

Sa isang Facebook post, viral ang larawan ng isang kawawang matandang lalaki na nakitang nagtitinda pa ng tinapay o steamed bun sa isang sidewalk sa Taipei, Taiwan. 

Ayon sa post, ang matandang tindero ay dating taga Shandong, China ngunit kinailangang manirahan sa Taiwan matapos na magkaroon ng problema sa utak ang kanyang anak dahil sa paggamit ng substansya at pagkakaroon ng dyabetis. 

Upang masuportahan at mabayaran ang mga gastusin sa ospital ng kanyan anak, ang matanda ang kinailangang magtrabaho ng maigi mula araw hanggang gabi sa pamamagitan ng pagbebenta ng "mantou" sa Chinese o steamed buns.

Sa umaga ay matatagpuan ang kanyang maliit na stall sa Jingmei at sa gabi naman ay lilipat ito sa labas ng Wanlong station upang doon naman magbenta.

Ayon sa concerned netizen na nakakita sa matanda, nakita niya ito na hindi pa kumakain ng hapunan. Kaya nilapitan niya ito at tinanong kung gusto niyang kumain. Ngunit tila hindi na nakakarinig ng mabuti ang matanda kaya naman minabuti na lamang niyang ipagdala ito ng pagkain at siya naman ay pinasalamatan.

Nais rin ng netizen na sana sa kanyang post ay makilala ang matanda sa publiko upang siya ay matulungan sa kanyang pangangailangan. 

Saad pa ng netizen sa kanyang post,

"I've seen that there's still a lot of mantou left when it's late at night. There are a lot of people passing by the bus station, so why not take away a bag of mantou to eat at home while you're in the process of waiting, as it's really value for your money!"

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa