Viral: 'HINDI NAKATAPOS pero NAKAPAG-PATAPOS', Inspiring Story ng Isang Ate sa mga Magkakapatid








Naging viral ang post na larawan ni Ghel Martinez sa Facebook noong Miyerkules, May 8 noong ibinihagi niya kung paano niya sinuportahan ang edukasyon ng dalawa niyang nakaba-batang kapatid na nakapag tapos ng kolehiyo. Nag bahagi ni Ghel na ang kanyang kapati na si Abigial ay nakapagtapos ng Bachelor of Science degree in Architecture sa the Laguna State Polytechnic University nung nakaraang taon at ngayong taon naman ay nag tapos ang kanyang kapatid na si Vergel sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo.

Habang hinahawakan at tinitignan ang larawan nilang magkakapatid na may nakasulat ng natapos nilang kurso, sabi niya'y:  “the memories just came rushing back.” “Walang permanenteng trabaho ang ama ko, taong bahay naman ang aking ina. Panganay ako sa anim na magkakapatid" ika ni Ghel.






Bilang panganay sa mag kakapatid, tumangap siya ng iba't ibang trabaho pag katapos niya maka graduate ng high school. Bagamat gusto man niyang mag aral ng BS Criminology, pinag paliban niya ito para suportahan ang kanyang kapatid na nag aaral sa kolehiyo. Dito, nag simula siyang mag trabaho bilang service crew sa isang fastfood chain at noong na pansin niya na hindi kayang pag kasyahin ang sweldo nya sa tuition ng kanyang mga kapatid, nag apply siya bilang call center agent.

Lumipat siya sa mas malaking call center company na nag bigay sa kanya ng mas malaking sweldo at nag bukas pa ng mas madaming oportunidad. Na promote si Ghie bilang team leader, quality analyst, product trainer at ngayon siya ay isa ng assistant manager. Binangit niya na hindi madali ang kanyang mga pinag daanan ngunit sinigurado naman niya na nakakapag bayad ang kanyang mga kapatid ng tuition fee sa tamang oras o bago ang deadline. Lahat ng sakripisyo ni Ghie ay nabayaran noong nakapag tapos ang kanyang dalawang kapatid at yung isa pa ay bilang cum laude.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso