VIRAL: Lolo na may Dalang Bulaklak, Sumabit sa Jeep Upang Sorpresahin ang Kaniyang Misis








Nagviral sa social media ang larawan ng isang mister na may bitbit na bulaklak at pagkain para sa kaniyang misis habang nakaupo sa likuran ng pampasaherong jeep sa Sarrat, Ilocos Norte. Kinilala ang lalaki bilang si Alejo Padulip, 73 taong gulang. Ayon sa kaniya, kasama niya sa jeep ang kaniyang misis na si Norma Padulip at bunsong anak na si Noel Padulip

Galing daw sila sa isang mall at kainan dahil sinorpresa nila noong Mother’s Day ang kaniyang asawa ng 51 taon. “Mahalaga kasi siya sa akin," ani Alejo. Kasabwat niya sa araw na iyon ang anak niya na si Noel. Ayon kay Noel, iniwan silang magina ng kaniyang tatay dahil bumili ng bulaklak ito na ibibigay sa asawa. 







Ayon kay Norma, simula pa lang dati noong sila ay baguhan pa lamang na magkasintahan ay puno ng sorpresa ang kaniyang nobyo na kinalaunan ay naging kaniyang asawa at ang mga ginagawa nito para sa kaniyang ang nagpapatibay sa kanilang relasyon. “Napapaluha naman ako kasi mabuti kaming pamilya," aniya.

Ayon kay Alejo, walang katumbas ang tiyaga at pagkamaintindihin ni Norma sa kanilang pamilya na susi rin sa tagumpay ng kanyang mga anak. Patunay siyang isang ulirang ina na dapat kinikilala ang kabayanihan araw-araw. Nakakuha ng mahigit 50,000 reactions at 90,000 shares ang Facebook post ni Jay Laurence Agoniassa noong Linggo, Mother's Day.


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing