Viral: Nakakabilib ang Isang Medical Doctor Matapos Itong Pumasa sa Nakaraang 2019 Bar Exam








Isang Pinay ang nag patunay na hindi ka lang pwede maging doctor ngunit maaari ka ding maging abogado! Isa si Dr. Jean Joan D. Polido, tatlumpu't tatlong gulang, ang kasama sa 1,800 mula sa 8,155 na abogado ang pumasa sa 2018 bar exams na inilabas ng Korte Suprema noong Biyernes, May 3, 2019. Suot ang kanyang stethoscope, nag post si Dra. Polido sa kanyang Facebook account kasama ang mga librong binasa nya noong nag aaral palamang sya ng abogasya. "TO GOD BE ALL THE GLORY! Ikaw na Atty. Jean Joan D. Polido M.D." Nag viral ang kanyang ibinahaging larawan kung saan umani ito ng 49,000 hangang sa pagsusulat na ito.

Nag aral ng medisina si Polido sa University of Santo Tomas at nakapag tapos noong 2010 dahil sinunod niya ang pangarap ng kanyang ama na maging doctor. “Growing up kasi my father would always say na ‘Ito ung anak ko na magiging doctor.’. Walang espesyalidad ang doctor sa medisina kaya naisip niyang mag aral ng pag aabogasya.“Kasi wala akong specialty. And yung dream ko to become a lawyer andun pa din. So i said, why not?” sabi pa niya.




Nag aral si Polido sa Arellano University School of Law sa parehong oras na nag tatrabaho sya bilang doktor. Nag turo din siya sa Trinity University of Asia ng dalawang taon ngunit kelangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag aaral dahil nasa ikatlong taon na sya sa pag aaral ng abogasya. 




Hindi naging madali ang pag aaral ng abogasya sa kanya at inaming madami siyang dinanas na hirap sa araw araw na pag aaral niya ng abogasya.“Kasi sobrang ibang mundo ang law,” pagamin ni Polido.“Pati terms lahat bago sa akin… yung pagaaral na ginawa ko nuon sa medicine siguro sa law school times two or three.” Sinigurado din niya na hindi siya nawawalan ng oras sa kanyang 7-year-old girl at 4-month-old baby boy, habang nag aaral at nag tatrabaho.“We have what I call ‘daily tiny victories’ kung sa isang maghapon, may oras na i can spend time with my daughter ginagawa ko,” “Hindi naman kailangan maghapon kami magkasama, quality bonding lang ok na kami.” ayon kay Polido.

Noong nalaman niya na isa siya sa mga pumasa sa bar exam, dali dali siyang pumunta sa labas ng Korte Suprema at nag pakuha ng litrato habang nilalabas ang kanyang pangalan sa LED screen. Nag bigay naman ng payo si Polido sa mga studyanteng may planong kumuha ng bar exam ngayong taon: “There is no best method in studying for the bar.” “By the time you graduate, you must have discovered what works best for you,” ayon sa doktor. “Work harder on areas/topics you are having difficulty of and perfect the subjects that you believe you are good at.” At para sa mga hindi naka pasa ngayong taon, eto ang kanyang sinabi: “Have faith in God’s timing. Grieve, cry, be sad. Ilabas mo na lahat. After that, aral ulit.” 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda