Posts

Showing posts from June, 2019

Pinuri Ng Isang Customer Ang Isang Service Crew Dahil Sa World Class Na Serbisyo Kahit Na Maraming Tao

Image
Ang magtrabaho bilang isang service crew sa isang fastfood ay hindi madali. Bukod sa kailangang maserbisyuhan ang lahat ng customers tuwing dinaragsa ito ng mga tao sa mga oras ng kainan ay dapat ay mabilisan rin ang paggalaw nila.
Minsan dahil na rin siguro sa pagod at paikot-ikot na pagseserbisyo sa mga customers ay ang ibang crew ay hindi na naseserbisyuhan lahat. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na dapat nila ipakita ang kanilang pagiging efficient na crew. 
Pinuri ng isang customer na si Dinalyn Osal ang isang service crew ng isang sikat na fastfood chain dahil sa pagiging maasikaso at maserbisyo sa mga customers na naghihintay. 
Aniya sa kanyang post,
"I just wanted to commend this person. I do not know exactly his name but I saw his name plate "Tian" of Mang Inasal Puregold North Commonwealth maybe his fullname is Christian."
Ibinahagi ng customer na gustong gusto na niyang makakain ng chicken oil at dahil ang kanyang libreng oras lang ay noong weeken…

Viral: Ninong at Ninang na Dumalo sa Isang Kasal, Nagsabit ng Php100K sa Ginawang Wedding Dance

Image
Tuwing may kasalan, inaabangan ng mga bagong kasal ang money dance na kung san ito rin ay tinatawag bilang 'prosperity dance'. Ito ang oras kung saan idinidikit ng mga bisita ang pera sa damit ng bagong kasal. Ipinapakita rin nito ang pag tulong ng mga bisita para umpisahan ang bagong buhay nilang mag asawa. Kadalasan sa mga kasal ay maraming naiipon na pera ang bagong kasal sa pamamagitan ng prosperity dance.
Sa kasal na ito makikita na ni-level up ng ninong at ninang nila ang money dance na kung saan nag handa sila ng kapa at korona na gawa sa tig iisang libong piso. Maraming mga netizens ang nag sabi na ang halaga lahat ng perang kanilang na likom mula sa money dance ay hindi bababa ng isang daan libong piso! Gamit ang kanyang Facebook account, pinost ni Mc Kevin ang momento sa bagong kasal na nag mo-money dance. 





Ayon sa kaniya nagsabit ang mag-asawa na napagalaman na ninong at ninang ng bagong kasal. Sana daw lahat ng sponsors ay katulad ng mag-asawa. Hindi napigilan mai…

Batang Pinoy, Pinamangha ang mga Netizens sa Pagkakaroon ng Mahigit 200 na Medalya

Image
Isang labing anim na taong gulang na babae ang nag viral sa social media pag katapos niyang ipost at ishare ang kanyang 200+ medals na nag mula sa mga patimpalak sa eskwelahan at beauty pageants. Humanga naman ang maraming mga netizens sa kanyang nakamit sa murang edad! Kilala siya sa kaniyang pangalan na April Christelle T. De Leon. Siya ay taga Lingayen Pangasinan na nag pamangha sa mga netizens dahil sa kanyang mga medalya na kung saan nakuha niya mula sa eskwelahan at ang iba naman ay galing sa mga extra curricular activities at pageant.
Nanalo at kinoronahan siya bilang Miss Earth, Lakambini ng Wika, Miss A1, at Miss United Nations. Siya rin ang Editor in Chief of the Gulf View (Pangasinan NHS) at The Sea Breeze (Lingayen I CS), dalawa sa multi awarded school organization ng Pangasinan. Dahil ga-graduate na si April mula sa Pangasinan National High School (PNHS), ibinahagi niya ang kanyang mga medal na natanggap gamit ang kanyang facebook account.





Ayon kay April, ang mga medalya…

High School Sweethearts Na Ngayon Ay Nagkatuluyan Ibinalik Sa Kanila Ng Kanilang Guro Ang Nakumpiskang Love Letter Noon

Image
Isa sa mga masasayang taon bilang buhay estudyante ang high school. Dito kasi nagsisimulang mag-mature ang isang bata at dadaan sa puberty stage na kung saan magkakaroon na ng mga crushes, attractions, at puppy love. 
Hindi man dapat ito ang pokus ng isang high school student ngunit hindi maiiwasan na dadaan sila sa ganitong stage dahil parte ito ng kanilang pagbibinta o pagdadalaga. Dito rin sa stage na ito maaaring magsimula ang pagliligawan.
Ang high school sweethearts na ito makalipas ang ilang taon ay sila rin pala ang magkakatuluyan. At sa mismong araw ng kanilang kasal ay inimbitahan rin nila ang kanilang dating naging guro noong high school.
Kadalasan sa mga kasal ay inaanyayahan ang mga espesyal na tao sa kanilang buhay na magbigay ng speech tungkol sa bagong kasal. Dito ay ibinabahagi nila ang mga espesyal na moments tungkol sa newly wed, kung paano sila nagkakilala, nagkamabutihan, hanggang maging opisyal na couple.
At isa sa mga naanyayahang magbigay ng speech sa bagong k…

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Image
Maraming mga magulang na nagsisikap na maghanap buhay para mabuhay ang kanilang mga anak. At walang magulang na gustong mapahamak ang kanilang mga anak kaya ang lahat ay kanilang gagawin para maprotektahan lamang sila. 
Habang sakay ng isang jeep, nadinig ng isang guro na si Gell Fernandez Lagrimas ang nakakantig pusong pag-uusap ng isang ama at kanyang anak na kanyang katapat sa upuan. Na-touched ang netizen dahil naramdaman niya ang tunay na pagmamahal ng tinderong ama sa kanyang babaeng anak.
Narito ang kanilang pag-uusap:
Anak: Pa, huwag mo nako ihatid hanggang loob ng school magtinda ka nalang para makabenta ka marami.
Tatay: Hindi pwede nak, may nangunguha ng bata ngayon. Sige ka, magkakaroon ka ng ibang tatay.
Anak: Sige tay hatid mo na ko. Pagkatapos ko sa school, tulungan kita magtinda ha. Sana maubos lahat para marami tayong pera.
Tatay: Mag-aral ka mabuti nak ha.
Napaka-maiksi at simple lamang ng pag-uusap ng mag-ama ngunit tagos sa puso ang mensahe nito. Mararamdaman na gusto…

Bamboo Straw Magandang Alternatibo Upang Maiwasan Ang Paggamit Ng Plastic Straw Na Nakakasira Sa Kalikasan

Image
Plastic. Ito ang unang dahilan kung bakit dumarami ang mga basura sa ating paligid. Dahil madaling magawa ang mga bagay na yari sa plastic, madali ring mai-dispose ito ng mga tao. At habang dumarami ang produksyon ng plastic, dumarami rin ang basura dahil ang plastic ay mahirap matunaw. At kung matutunaw man ito ay aabutin ito ng libo-libong tao. 
Ito ang nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan. Nagkakaroon ng pagdami ng basura at maging ang mga hayop sa kapaligiran ay naapektuhan. Tulad na lamang ng mga marine animals, na kung saan nakakain nila ang mga itinatapong plastic sa mga anyong tubig. 
Kadalasan sa mga restaurants o fastfood chains ay gumagamit sila ng mga disposable spoon and fork, baso, plato at straw.
Kung mapapansin, nililimitahan na lamang ngayon ang paggamit ng mga disposable drinking straws. Ngunit kung pagsasama-samahin pa rin ay marami pa rin ang gumagamit ng mga ito. 
Ibinahagi ng isang netizen na si Jaylo Estoque ng provincial tourism office na available…

Isang Netizen Nagbigay Ng Challenge Sa Mga Tao Na Iligpit Ang Mga Pinagkainan Sa Mga Kainan Sa Labas

Image
Nakasanayan ng ng mga Pinoy na pagkatapos kumain sa labas o sa mga fastfood ay iniiwan na lamang ang mga pinagkainan kung paano sila natapos. Hindi nakasanayan na iligpit man lang ang mga pinagkainan, dahil sa pagkakaalam naman natin na mayroon namang ibang gagawa nito para sa atin. 
Kaya naman ito ang nagudyok sa isang netizen upang hamunin ang mga taong kumakain sa mga fastfoods upang ligpitin ang mga plato, baso at kubyertos pagkatapos nilang kumain.
Ibinahagi ito ng netizen na si Junery Ace Villa sa kanyang social media account kasama ang mga pinggan at basong nakaaayos ng mabuti matapos nilang kumain sa labas. 
Saad niya sa kanyang caption ay,
"Practice doing this whenever you will eat outside and you will surely bring smile on the crew's face."
Sa katunayan hindi naman ito mahirap gawin dahil kung sa bahay ay inililigpit natin ang ating mga pinagkainan, siguro naman ay magagawa rin natin ito kapag tayo ay nasa labas. 
Hindi lamang kasi ito maganda sa paningin kundi…

Aktor na si Makisig Morales, Ikinasal na sa Australia sa Nobyang Fil-Aussie Beauty Queen

Image
Taong 2005 nang manalo bilang second placer sa Little Big Star si Makisig Morales at lalo pang sumikat sa kanyang palabas na Super Inggo. Sa murang edad palang pinakita na ni Makising ang kanyang talento sa mundo. Kung naaalala niyo pa siya hanggang ngayon ay magugulat ka dahil sa murang edad na 22 years old ay kinasal na siya at sa isang Filipina-Australian Beauty Queen na si Nicole Joson. Si Nicole Joson ay nanalong Miss Earth Australia noong taong 2017.
Taong 2014 nagmigrate ang pamilya ni Makisig sa Australia at doon na nga niya nakilala ang beauty queen. Noong 2018 muli natin siyang nakita bilang isa rin sa mga bida ng bagani at sa taong rin iyon inanunsyo ng dalawa sa publiko na engage na nga sila sa pamamagitan ng kanilang hiwalay na Instagram posts. Hiningi niya ang kamay ng babae sa kanilang espesyal at pribadong dinner sa Perth, Australia. Sa araw na iyon ay nagpost si Nicole ng isang litrato ng kanyang kamay na may ring at ang pingan na may nakasulat na “Will you marry me?…

Lalaking Pulis, Pinuri ng mga Netizens Matapos Magsilbing Taga-Pangalaga ng Anak ng Magasawang Kaniyang Hinuli

Image
Ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho noong nahuli niya ang mag asawa dahil sa masama nilang gawain na labag sa batas ngunit ang pulis na ito ay pinuri ng maraming netizen dahil sa ginawa niyang aksyon sa labas ng kanyang trabaho kung saan tumayo siya bilang guardian sa anak na Grade 7 ng mag asawang kaniyang hinuli.
Si PCpl Claro A. Fornis ng Police Community Precinct 1 ng Makati City Police Station ay inimbita ni Angela Perez sa eskwelahan nito upang siya ay tulungan makapag-enroll, anak si Angela ng mag asawang kanyang hinuli dahil sa kanilang masamang gawain. Si Angela ay isang incoming Grade 7 na studyante ng General Pio Del Pilar National High school. Bago siya makapag enroll sa taong ito, kailangan samahan siya ng kanyang mga magulang. Dahil nahuli ni Fornis ang mga ito, hindi niya magawa ang mag-enroll dahil wala siyang magulang at hindi rin siya sinamahan ng kanyang mga kamag anak kaya nama'y lumapit siya sa pulis na humuli sa kanyang mga magulang. 






Dahil naintindihan…

Grupo ng Estudyante, Hinangaan ng mga Netizens Matapos Pakainin ang Isang Batang Kalye

Image
Ano nga ba ang kayang biling ng apat na piso sa panahon ngayon? Maaring maibili ito ng dalawa hangang apat na pirasong kendi o tusok tusok tulad ng kikiam at fishball ngunit hindi kayang ibili ang halagang ito ng isang tasa ng kanin o ulam. Isang gutom na bata na meron lamang apat na piso para sa kanyang tanghalian ang nag punta sa isang mama na nag lalako ng fried chicken sa isang bangketa na malapit sa kanyang paaralan upang bumili ng kanyang pagkain. 
Kumuha ang bata ng isang stick ng chicken at tinanong ang mama na nag bebenta kung pwede lang niya itong bayaran gamit ang kanyang apat na pisong pera. Noong nakita nung nag titinda na mukang gutom na gutom na yung bata, hinayaan nalamang niya itong kainin ang stick ng chicken kahit na hindi niya kayang bayaran ang halaga nito. Noong nakita ng mga grupo ng estudyante na kumakain din noong panahong iyon, naawa sila sa bata. 






Hindi mayaman ang mga estudyanteng ito kaya naman naramdaman nila ang hirap ng batang nasa kanilang harapan kun…

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Image
Ang dyabetis ay isa sa mga problemang pangkalusugan na hinaharap ng karamihang mga tao. Mayroong mga medisinang nagawa ng siyensya upang maiwasan o mabawasan ang karamdamang dulot nito, pero hindi lahat ng tao ay may perang panggastos para dito. 
Kaya naman ang isang 16 taong gulang na estudyante ng Iloilo National High School ay hinangaan dahil sa pagdiskubre ng isang karaniwang prutas na magagamit upang magamot ang type 2 na dyabetis. 
Nakilala ang batang scientist na si Maria Isabel Layson. Ayon sa kanya ang puno ng aratiles ay karaniwang makikita lamang sa paligid at mga bakuran at kadalasan hindi ito pinapansin. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na ito pala ay mayroong hatid na benepisyo para sa may mga dyabetis.
Ito ang nagudyok kay Layson upang pag-aralan ang nasabing prutas. Pinag-aralan niya ang mga antioxidant at anti-d!abetic properties nito lalo na pa't marami na sa kanilang pamilya ang nagkaroon ng sak!t na ito.
Naging isang challenge ang research na ito para kay L…

Lumuhod Ang Groom Na Ito Sa Anak Ng Kanyang Bride Upang Humingi Ng Permiso Na Alagaan Sila

Image
Ang paghingi ng kamay ng iyong minamahal ay isang napakalaking bagay. Hindi ka lamang nangangako na papasakasalan siya kundi nangangako ka na magsasama kayo at mamahalin ang isa't isa habang buhay sa hirap man o ginhawa. 
Pero para sa isang groom na ito, hinangaan ang kanyang ginawa dahil hindi lamang niya hiningi ang kamay ng kanyang babaeng minamahal kundi nanghingi rin siya ng permiso sa anak na babae ng bride.
Ibinahagi ang picture ng isang page na The Pink Revolution at inilagay sa caption na:
"This is a rare picture. The bride is a widow with a daughter. So, the groom knelt down in front of the daughter to ask permission to take care of her and her mother. In life, sometimes we meet and end up choosing wrong people, but it does not mean we don't have the change to meet good people."
Marami ang na-touched sa ipinakitang paggalang ng lalaki at sa paghingi nito ng permiso sa anak ng babae sa una niyang asawa upang alagaan silang mag-ina.
Nakakatuwang makita dahil …

Kawawang Tindero Ng Binatog, Matapos Siyang Masagi Ng Isang Tricycle Ay Iniwan Lamang Ito At Nasayang Ang Paninda

Image
Ang paglalako ng mga paninda tulad ng pagbebenta ng binatog ay isang marangal na trabaho. Ang mga vendor na ito ay araw-araw na kumakayod, pumapadyak ng kanilang bisikleta at tinitiis ang init ng araw maibenta lamang ang kanilang paninda at kumita ng pera. 
Alam naman natin na hindi madaling maghanap buhay lalo na pa kung ang kinikita mo kada araw ay sapat lamang para sa araw na iyon. Malamang pamilyar rin ang mga katagang 'isang kahig, isang tuka' kaya para sa isang taong doble kung kumayod para may ipangtustos lang sa pamilya, ay malaking bagay na ang kanyang kinikita kahit na ito ay maliit lamang para sa kanila. 
Maraming netizens ang nahabag at nanlumo matapos makita ang isang binatog vendor na nagkalat ang paninda dahil nasagi siya ng isang tricycle. Ibinahagi ito ng isang netizen na nakasaksi sa nasabing pangyayari.
Nakilala ang matandang vendor na si Alfredo Viernes na taga Sta. Cruz, Manila. Magsisimula pa lamang sana siya na magbenta ng kanyang mga paninda ng bunggu!…

Cute Na Aso Napaglaruan Ang Pustiso Ng Kanyang Amo, Imbes Na Magalit Ay Natawa Pa Rito

Image
Ang mga alagang hayop tulad ng aso tunay na man's bestfriend dahil bukod na sila ay magandang kasama o bantay sa bahay, sila ay nakakapagpawala ng pagod lalo na pa kung ang mga ito ay malambing sa kanilang amo. 
Ngunit sa kabila ng kanilang pagiging malambing, ay mayroong silang side na napakakulit. Katulad na lamang ng isang cute na Shih Tzu na ito na napaglaruan ang pustiso ng kanyang amo. 
Ang netizen na si Eunice ang nagmamay-ari ng cute na asong ito na may halong Shih Tzu, Poodle, at Chihuahua breed. Bukod sa pagiging malambing ang kanyang alaga ay makulit at mahilig itong maglaro.
Isang araw noong pumasok na si Eunice sa trabaho ay naiwan ang alagang aso na si Maggie sa bahay kasama ang tatay ni Eunice.
Noong hapon ay naisipan ng tatay na umidlip muna sa sala at saka tinanggal ang kanyang pustiso, binalot sa isang tissue saka inilapag sa dulo ng sofa.
Ngunit nakalimutan niya siguro na andoon din ang kanilang makulit na aso. Kaya imbes na nailagay niya sa mas mataas na lugar…

Netizen Inireklamo Ang Mga Napakaliit Na Piraso Ng Mga Manok Na Kanyang Order Sa Isang Sikat Na Fastfood

Image
Marami na ngayon ang mas pabor na kumain na lamang sa labas o mag-take out sa mga fastfoods dahil mas mabilis at convenient ito para sa kanila. Sa dami ng variety ng pagkain na mapagpipilian ay tiyak na mabubusog ka na at hindi ka pa mapapagod magluto at maghain.
Ngunit ang netizen na si Ernie Mah ay tila nadismaya sa serbisyo na ipinakita sa kanya sa isang fastfood dahil sa mga napakaliit na piraso ng manok ang ibinigay sa kanya at wala pang kutsara para sa kanyang mashed potato.
Inilabas niya ang kanyang reklamo sa pamamagitan ng isang post.
"Paid for $7.95 for this 2 pcs meal at KFC Hillion Mall. Told the staff to change my drumstick to a bigger one and he rejected saying can only change 1 big 1 small And they even forget to put a spoon for my mash potatoes"
Noong una pa lamang na nakita niya ang mga manok ay pinapapalit na ng netizen ang ibinigay sa kanyang order ngunit tinanggihan ito ng staff at sinabing isang malaki at isang maliit na piraso lamang ang pwedeng ibigay sa…

Madreng Pinay, Malapit Nang Hirangin Bilang Isang Santo

Image
Sina Saint Lorenzo Ruiz at Saint Pedro Calungsod ang dalawang santong Filipino na mayroon tayong mga Pinoy, at baka madagdagan pa tayo ng isa pa! Si Maria Beatriz del Rosario Arroyo ay binigyan ng panibagong titulo, ang dating tawag sa kanya ay Servant of God at ngayon ay kilala bilang "Venerable" ayon kay Pope Francis noong June 11, 2019. Ito ay pagkatapos na mapatunayan na namuhay siya ng may kabanalan.
Dahil nabigyan siya ng bagong titulo, ang ibig sabihin lamang nito ay nalalapit na siya bilang tawaging santo. Kapag ang tao ay Venerable, kailangang mapatunayan nilang magkaron ng dalawang mirakulong gawa nila. Kapag napatunayan ang isang mirakulo, sasailalim naman ito sa tinatawag na Beatification, kung saan babasbasan sila sa titulong "Blessed" at kung mapatunayan ang isa pang mirakulo, sasailalim ito sa Canonization, na kung saan ma dedeklara sila bilang isang santo.







Si Maria Beatriz del Rosario Arroyo, o kilala ngayon bilang Venerable Maria Rosario of the Vi…