Aktor na si Makisig Morales, Ikinasal na sa Australia sa Nobyang Fil-Aussie Beauty Queen








Taong 2005 nang manalo bilang second placer sa Little Big Star si Makisig Morales at lalo pang sumikat sa kanyang palabas na Super Inggo. Sa murang edad palang pinakita na ni Makising ang kanyang talento sa mundo. Kung naaalala niyo pa siya hanggang ngayon ay magugulat ka dahil sa murang edad na 22 years old ay kinasal na siya at sa isang Filipina-Australian Beauty Queen na si Nicole Joson. Si Nicole Joson ay nanalong Miss Earth Australia noong taong 2017.

Taong 2014 nagmigrate ang pamilya ni Makisig sa Australia at doon na nga niya nakilala ang beauty queen. Noong 2018 muli natin siyang nakita bilang isa rin sa mga bida ng bagani at sa taong rin iyon inanunsyo ng dalawa sa publiko na engage na nga sila sa pamamagitan ng kanilang hiwalay na Instagram posts. Hiningi niya ang kamay ng babae sa kanilang espesyal at pribadong dinner sa Perth, Australia. Sa araw na iyon ay nagpost si Nicole ng isang litrato ng kanyang kamay na may ring at ang pingan na may nakasulat na “Will you marry me?” at nilagyan niya ito ng caption na "He stole my heart, so I'm stealing his last name.”







Nitong nakaraang lingo nagpakasal ang dalawa at ang mga imbitado ay kanilang mga malalapit na pamilya at kaibigan lamang. Nagpalitan sila ng pangako sa isa’t isa sa may napakagandang sunset na sinamahan pa ng beach sa La Perouse, Sydney.  Dalawang araw matapos nito ay ipinahayag na ng dalawa ang kanilang beach wedding sa publiko sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang litrato sa Instagram.

Maraming mga netizens ang nagulat sa nangyari dahil sa murang edad pa lang ni Makisig ay ikinasal na ito. Talaga nga namang walang makakapigil sa dalawang pusong nagmamahalan at hanggang ginagawa nating sentro ang Diyos sa pagmamahalan ay magiging masaya ang buhay pag-ibig.


Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!