Anak Ng Magsasaka Nakagraduate Bilang Cum Laude, Laking Pasasalamat Kanyang Mga Magulang At Mga Taong Tumulong Sa Kanya


Sipag, tiyaga, determinasyon at maraming dasal ang kailangan ng isang estudyante upang makamit ang tagumpay na nais niya upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral. 

Ang post ng isang estudyanteng ito ay nagsilbing inspirasyon sa marami dahil sa kabila ng mga pagsubok, pagsisikap, at sakripisyo niya noong nag-aaral pa lamang siya ay nagbunga iyon ng maganda lalo na't naging cum laude siya. 

Labis labis ang pasasalamat ng cum laude graduate na si Aljon De Pano sa kanyang social media account sa mga taong tumulong sa kanya sa noong siya ay nag-aaral pa lamang. 

Ibinahagi niya ang kanyang talambuhay sa isang napakahabang post. 

"High school graduate man at magsasaka ang magulang ko, nakapag-patapos naman kayo.

My journey is like betting for a lottery. I take the risk without fear, I take this path without nothing but faith and courage."

Bahagi ni Aljon na siya ay isang probinsyano na anak ng isang magsasaka. Dahil sa hirap ng buhay nila ay naranasan niyang magtinda ng mangga, puto, isda, palay at gulay sa kanyang mga kapitbahay para lamang may ipanggastos sa pag-aaral. 

Tanda pa niya na elementarya siya noon at ang baon lamang niya ay 7 piso at noong nag high school ay 30-50 piso ang kanyang ipinagkakasya. Naranasan nila ng kanyang pamilya na instant noodles lamang ang kanilang kinakain sa tanghalian o kaya isang single order ng giniling sa karinderya na halagang 25 pesos ang kanilang pinagsasaluhang magpapamilya. 

Gayunpaman, isang achiever noong gradeschool si Aljon. Ngunit noong nag high school ito ay pinagduhan ang kanyang sarili at umasa na kapag magko-kolehiyo ay mahahanap niya ang kanyang tunay na purpose.

Bata pa lamang si Aljon ay mahusay na siya sa pagguhit. At lalong nahikayat na tuparin ang kanyang mga pangarap ng may isang nakakatandang estudyante na nagbigay sa kanya ng mga paintbrush at sketchbook.

Simula noon ay naging interesado siya kaya noong magko-kolehiyo siya ay nag-entrance exam siya sa UST. Maswerte naman siyang nakapasa ngunit naging tahimik lamang ang kanyang mga magulang dahil baka hindi kayanin ang pag-papaaral sa kanya.

Ngunit siya mismo ang gumawa ng paraan upang makapag-aral at makakuha ng scholarship. 

Umabot siya sa punto na akala niya na lilipat na siya ng ibang eskwelahan dahil hindi sigurado kung makakautang pa ang kanyang pamilya para pambayad sa mga gastusin lalo na't binagy0 ang kanilang mga pananim. Ngunit pinagpursigihan pa niya ang pag-aaral upang hindi mawala ang kanyang scholarship at naging working student.

"Fine arts. Akala ng karamihan puro drawing lang dito pero hindi. Dito ko na realize na di pa pala ako magaling, marunong lang. Pero hindi ako nagpatalo sa self doubt ko. Sabi ko sa sarili ko, lahat ng bagay kayang matutunan, kung di ka magaling, daanin mo sa sipag at tiyaga."

Kaya naman ang lahat ng kanyang pagtityaga at paghihirap ay nagbunga ng maganda at siya ay naka-graduate bilang cum laude at umani ng maraming school awards. 

Laking pasasalamat si Aljon sa mga taong gumabay sa kanya lalo na ang kanyang mga magulang na  nagpalaki sa kanya na may takot sa Diyos, nagpakain at nagtaguyod sa kanyang pag-aaral.

Aniya, "Hindi masamang tumaya para sa pangarap. Basta maging buo ang loob, manamapalataya at maging matatagag kasama ang pamilya, kakayanin mong abutin ang iyong mga pangarap."

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!