Assignment Ng Isang Estudyante Sa Eskwela Nagdulot Ng Pagkalungkot At Maraming Netizens Ang Naka-Relate


Ang katotohanan ay, hindi lahat ay mayroong kumpleto at buong pamilya. Mayroong mga pamilya na nagkakahiwalay ang mga magulang dahil hindi nagkakasundo o nawawala na ang pagmamahal sa isa't isa. 

Ngunit ang pinaka-naapektuhan sa tuwing may nasisirang pamilya ay ang mga anak. Ito ay nag-iiwan ng kurot sa kanilang puso na hanggang pagtanda ay dala-dala nila ito. 

Isang post na ibinahagi ng isang estudyante na si Miko Sy ang nakapukaw ng atensyon sa mga netizens. Napaka-iksi ngunit sadyang napakalinaw ng kanyang caption na tila maraming tao ang naka-relate dito. 

Makikita sa picture na kanyang ibinahagi ay ang assignment nila sa kanilang eskwela na may nakasulat na: "Assignment: Bring family picture."

Kung para sa iba ay napaka-dali at napakasimple lamang ng assignment nila ito. Pero para sa kanya ay hindi ito madali.

Saad niya sa kanyang caption, "every broken family weakness."

Naging matunog ang mga salitang ito dahil ipinapalagay na galing siya sa isang broken family. Dagdag pa niya, "yung iba tuwang tuwa pa dahil palibhasa hindi nila nafi-feel yung broken family."

Para sa ilang mga bata na mayroong buong pamilya ay maaaring ito na ang napakadaling takdang aralin na kanilang gagawin. Ngunit para sa mga may pamilya na hindi na buo ay isa ito sa mga nakakalungkot na assignment. 

Samantala, maraming netizens rin naman ang naka-relate at nalungkot sa post ng bata. Narito ang kanilang mga komento.

"Kung pwede lang sana na iba na lang ang ipa-assignment ni Ma'am pag ganito."

"Incomparable heartbreak."

"Ito yung weakness ko na never kong ginawa sa school kaya absent ako pag ganito kasi ayoko makarinig ng kwento ng mga kaklase ko about sa family nila beside yung makita na may family pictures sila."

"Naiyak ako bigla, simple lang yung assignment pero tagos sa puso."

"Lagi wala ako assignment pag ganito."

"My weakness always. Iniiyak ko na lang naalala ko dati to. saklap. ayaw ko na ulit mag broken fam, ang hirap sobra."

Maraming netizens na nagbahagi na hindi rin daw sila gumagawa o nakakapagdala ng ganitong assignment noon. Mayroon ding mga nagsabi na ito ang pinaka-ayaw nilang assignment noong sila ay nag-aaral pa.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa