Babae, Sinabing Nakita Niya Ang Imahe Ni Hesus Sa Isang Uri Ng Crab


Ang ating isipan ay sadyang mapaglaro. Kung ano-ano ang ating naiisip o di kaya ay malakas ang ating imahinasyon. Minsan ay nadidikta ng ating isipan kung ano ang ating nakikita. 

Marami na ang mga kwento tungkol sa mga paglitaw ng imahe ni Hesus sa iba't ibang mga bagay. Maaaring iba't iba ang ating paniniwala ngunit mayroon namang nagsasabi na ito ay isang senyales pero para sa iba ay wala naman itong espesyal na ibig sabihin.

Katulad na lamang ng isang babae na taga Florida na sinasabing may natuklasan siyang isang spiritual discovery matapos makita ang imahe ni Hesus sa likod ng isang horseshoe crab.

Ang sinasabing imahe ay natagpuan sa shell ng isang crab na ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan matapos itong matuklasan sa Canaveral National Seashore sa New Smyrna Beach. 

Ayon kay Cathy Rader na isang photographer, kamakailan ay nagresign siya sa kanyang trabaho at sinimulan niyang gumawa ng isang picture book tungkol sa kanilang bayan. 

"I was doing devotionals that I do in the morning. God spoke to me and said 'if you will wait, I will give you perfection."

Matapos noon ay bigla na lamang niyang napansin ang isang kakaibang imahe sa marine animal na ito na talagang kanyang ikinamangha. 

Noong una ay hindi pa siya makapaniwala kaya nagsearch siya sa internet ng mga imahe ng mga horseshoe crab. At napagtanto niya na ang kanyang natagpuan ay talaga ngang kakaiba. 

Dahil sa paglitaw ng imahe ni Hesus sa crab, kaya nila ito tinawag na 'Jesus crab.'

Ngayon ay idinisplay ang shell sa isang local library sa kanilang bayan na kung saan protektado ng salamin at security.

Saad niya, "Not everyone is going to see Christ and that is totally fine. It is something for me. We need a sign because the news around the world is so bad."

Mayroon o wala man itong mensahe dahil iba iba ang ating paniniwala, hangad pa rin ni Rader na sana ay mapabuti ang pananaw ng mga tao sa ating mundo. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya