Bamboo Straw Magandang Alternatibo Upang Maiwasan Ang Paggamit Ng Plastic Straw Na Nakakasira Sa Kalikasan



Plastic. Ito ang unang dahilan kung bakit dumarami ang mga basura sa ating paligid. Dahil madaling magawa ang mga bagay na yari sa plastic, madali ring mai-dispose ito ng mga tao. At habang dumarami ang produksyon ng plastic, dumarami rin ang basura dahil ang plastic ay mahirap matunaw. At kung matutunaw man ito ay aabutin ito ng libo-libong tao. 

Ito ang nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan. Nagkakaroon ng pagdami ng basura at maging ang mga hayop sa kapaligiran ay naapektuhan. Tulad na lamang ng mga marine animals, na kung saan nakakain nila ang mga itinatapong plastic sa mga anyong tubig. 

Kadalasan sa mga restaurants o fastfood chains ay gumagamit sila ng mga disposable spoon and fork, baso, plato at straw.

Kung mapapansin, nililimitahan na lamang ngayon ang paggamit ng mga disposable drinking straws. Ngunit kung pagsasama-samahin pa rin ay marami pa rin ang gumagamit ng mga ito. 

Ibinahagi ng isang netizen na si Jaylo Estoque ng provincial tourism office na available na ang mga bamboo straws bilang pamalit o alternatibo para sa mga plastic na straw.

"The Famous Bamboo Straw, a product from Concepcion, Misamis Occidental is now available at Misamis Occidental Enterprise Development and Research Center (MOEDRC) Pasalubong Center, Pines Oroquieta City. For only 10 Pesos"

Ayon sa manager ng nasabing pasalubong center, nakumbinse nila ang bayan ng Concepcion upang lumikha ng mga bamboo products na ito lalo na pa't maraming mga bamboo plants sa kanilang lugar. 


Hindi lamang ito magandang pagkakakitaan kundi makakatulong pa sila upang maiwasan ang paggamit ng plastic drinking straws at maprotektahan ang kapaligiran lalo na ang mga pagong sa karagatan na isa sa mga b!ktima ng mga plastic na basura.  

Ayon sa netizen na nagbahagi nito, ang purpose ng bamboo straw na ito ay upang matulungan ang mga Indigenous Subanen Tribe sa kanilang probinsya dahil sila ang gumagawa ng mga ito. 

Maaari raw itong gamitin sa mga softdrinks, juice, shake, tubig, at iba pa. Huhugasan lamang ito pagkatapos gamitin at maraming beses pwedeng magamit. Maaari ring ilagay sa bag para dala-dala mo kung saan ka magpunta.

Sa katunayan, maganda ang konseptong ito lalo na pa't ito ay eco-friendly at reusable. Ayon sa mga netizens, sang-ayon naman ang karamihan upang gawing alternatibo ito. Narito ang kanilang mga komento.

"We love a compostable and reusable straw."

"Yeah, no more plastic."

"Maganda pala yan para makabawas sa paggamit ng plastic straw."

"Instead of using plastic straw which is a single-use plastic that will harm our environment, you may use this reusable bamboo straw."


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso