Batang Lalaki na Nag-Aaral sa Kalye Dahil Walang Kuryente sa Kanilang Bahay, Pumukaw sa Puso ng mga Netizens








Nakunan ang isang dose anyos na bata na gumagawa ng kanyang assignment sa kalye dahil hindi kayang bayaran ng kanyang pamilya ang kanilang kuryente sa bahay. Habang ang ibang bata ay mapalad na magkaroon ng komportableng buhay, ang iba naman ay kelangan mag tiis dahil sa kahirapan ng buhay. Bukod sa problema sa bahay, ay kelangan din nilang magtiis sa kahirapan sa eskwelahan. Dahil dito, isang dose anyos ng bata ang gumagawa ng kanyang assignment sa labas ng kanilang bahay sa tulong ng poste ng ilaw at pumukaw sa maraming mga netizens.

Para sa maliwanag na hinaharap at maka ahon sa hirap ng buhay, ang binatang ito galing sa bayan ng Moche sa Peru ay determinadong matapos ang kanyang assignment sa ilalim ng poste ng ilaw dahil hindi kayang bayaran ng kanyang pamilya ang kuryente ng kanilang bahay. Nakilala ang bata sa kanyang pangalan na Victor Martin Angulo Cordoba. 







Nakita siya na ginagawa ang kanyang assignment sa labas ng ng bahay at naka depende lamang sa ilaw ng poste. Nag viral agad ang larawan nito at nakakuha ng pansin mula sa marami pagkatapos i-share ng Moche police department sa kanilang Facebook account. Isa sa mga nag tatrabaho sa police department ang nakapansin sa bata habang tinitignan nila ang mga security cameras. Noong zi-noom nila mula sa CCTV, nakita nila na nag babasa at nag susulat ang bata sa kanyang hawak na notebook. Ayon sa kanyang ina, hindi nila kaya mag bayad ng kuryente gustuhin man nilang makapag aral ng mabuti ang kanilang anak ngunit kapos sila sa pang pinansyal.

Maraming mga netizens sa social media ang nainspire at naantig sa kwento ng bata dahil sa pagsusumikap nito sa buhay sa kabila ng ganitong sitwasyon. Dahil dito, marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa bata na siyang maaring magbigay ng magandang kinabukasan at ehemplo para sa iba pang mga kabataan.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso