Cute Na Aso Napaglaruan Ang Pustiso Ng Kanyang Amo, Imbes Na Magalit Ay Natawa Pa Rito


Ang mga alagang hayop tulad ng aso tunay na man's bestfriend dahil bukod na sila ay magandang kasama o bantay sa bahay, sila ay nakakapagpawala ng pagod lalo na pa kung ang mga ito ay malambing sa kanilang amo. 

Ngunit sa kabila ng kanilang pagiging malambing, ay mayroong silang side na napakakulit. Katulad na lamang ng isang cute na Shih Tzu na ito na napaglaruan ang pustiso ng kanyang amo. 

Ang netizen na si Eunice ang nagmamay-ari ng cute na asong ito na may halong Shih Tzu, Poodle, at Chihuahua breed. Bukod sa pagiging malambing ang kanyang alaga ay makulit at mahilig itong maglaro.

Isang araw noong pumasok na si Eunice sa trabaho ay naiwan ang alagang aso na si Maggie sa bahay kasama ang tatay ni Eunice.

Noong hapon ay naisipan ng tatay na umidlip muna sa sala at saka tinanggal ang kanyang pustiso, binalot sa isang tissue saka inilapag sa dulo ng sofa.

Ngunit nakalimutan niya siguro na andoon din ang kanilang makulit na aso. Kaya imbes na nailagay niya sa mas mataas na lugar ay sa mababang lugar lamang niya ito naiwan.

Kaya naman pagkagising ng tatay ay laking gulat niya na nawawala na ang kanyang pustiso kung saan niya ito inilapag. At unang naisip niya ang kanilang aso na si Maggie na baka naitangay niya ito.

Pinaghahanap ng tatay ang aso at natagpuan ito na nagtatago sa ilalim ng mesa. Ngunit nang makita niya ang mukha nito ay imbes na magalit ay natawa pa siya dahil nasuot sakto sa bibig ng aso ang nawawalang pustiso.

Kaya naman bago niya tanggalin ito ay kinuhaan niya muna ito ng letrato. At nang umuwi si Eunice ay ipinakita sa kanya ang picture ng kanilang makulit na asong si Maggie at tawang tawa sila sa nangyari.

Hindi naman nasira ang pustiso at hindi naman nasaktan ang aso ngunit sigurado naman na hindi na ito muling isusuot ng tatay at magpapagawa na lamang ng panibago. 

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya